25. The Kiss (Part 1) 🍷

5.9K 173 40
                                    

"Why so serious?" tanong ni Ara. Bakas sa mukha niya ang labis na pagtataka.

"Nadadala lang ako ng istorya. Ang intense kasi. Kailangan natin 'tong matapos ha, bago tayo umuwi," sagot ko.

"Ako pa, 'pag libro ni Alma Young, 'di ko kayang bitawan hangga't 'di ko natatapos basahin."

Napaumis ako at muling ibinalik ang pokus sa librong binabasa. 'Di tulad ng mga naunang libro ni Alma Young, maikli lamang ang To The Soul I Lost. Kaya naman hindi ako inabot ng tatlo o limang oras bago makarating sa huling kabanata nito. Mayro'n lamang itong sampung maiikling kabanata na siksik sa mga pasabog. Pero para bang mas kinabahan ako nang bumulaga na sa akin ang huling kabanata nito. Mas bumilis ang tibok ng puso ko at para bang may pag-aalinlangan sa loob kong ituloy pa ang pagbabasa. "'Pag tinuloy mo pa ang pagbabasa mo, lalo ka lang masasaktan," bulong pa ng konsiyensya ko.

Sa mga naunang kabanata, mas nakilala ko ang lalaking muling nagpatibok ng puso ko. Ang tindi mong magmahal, Aki. Gayundin ay mas nakilala ko ang isa sa mga paborito kong author bilang si Mystery Mica. Kasama ang ilang bago at nakakagulat na impormasyon tungkol sa kanya, sa librong ito ay tahasan niya ring binanggit ang totoong pangalan niya. Siya si Baby Mica Almadovar. At kung papansinin nang maigi, masasabing dito rin niya hinugot ang kanyang pseudonym. Alma from Almadovar; and Young for Baby. Mahusay. 'Pag naging writer din kaya ako, anong pseudonym ang gagamitin ko?

"This book is full of many revelations. Kaya naman feeling ko'y nakita ko na siya sa Lovers' Maze before," sambit ni Ara na sa libro pa rin nakatuon ang pansin.

"Hala e once ka pa lang naman nakapunta roon. Tigilan mo nga ako Ara," mariin kong protesta kahit alam akong ayaw niyang mauwi ang usapang iyon sa isang mahabang conversation dahil sa gustong-gusto na niyang matapos ang libro.

"E 'di ikaw na ang madalas doon."

Napailing ako at saka itinuloy ang pagbabasa. At tulad ng mga nakaraang kabanata, puno rin ng rebelasyon ang huling bahaging ito ng libro.

Matapang na inilahad ni Alma Young ang labis niyang pagmamahal kay Aki sa pagsisimula ng ika-sampung kabanata. Dumating na ang pinakahihintay niyang sandali. Ang gabing napakahalaga para sa kanya. Nang gabing 'yon ay handa na itong ipakilala ang kanyang buong pagkatao. Dahil nga sa mga nakalipas na buwan na nagkasama sila ay mas nakilala na niya ito, na pumasa ito sa signs at standard na itinakda ng soulmate beliefs niya. Natatakot kasi siya noong una na ibahagi ang buong sarili niya kay Aki hangga't wala pa siyang kasiguraduhang ito na ang tamang lalaki para sa kanya. At isa pa, gusto rin niyang mahalin siya nito hindi bilang si Alma Young. Kundi bilang si Baby Mica. Kaya naman hangang-hanga rin siya kay Aki dahil inirerespeto nito ang kanyang kondisyon.

Pinaghandaan niya raw ang gabing 'yon. Bukod sa gusto niyang isorpresa si Aki, it's also her birthday. Alam niyang sa CNBar ito pupunta nang gabing 'yon dahil sa makikipagkita ito sa isang kliyente n'ya roon. Excited siyang puntahan ito sa bar. Tinawagan niya si Lora, ang dating EA ni Aki, para i-confirm kung nasa bar pa ang boss nito. Gusto kasi niyang ma-solo si Aki, na wala na itong kasamang kliyente 'pag dumating siya roon. Kaya naman hinintay niya ang paglalim ng gabi habang mas maliwanag ang langit at ang mga bituin ay nagsasaya.

Bandang 10pm nang pumasok siya sa bar. Confident na confident pa nga raw siya sa suot niya. Agad niyang hinanap si Aki sa langkay ng mga tao roon. Ngunit ang masayang mukha niya ay napalitan ng galit at muhi nang makita niya itong nakikipaghalikan sa isang babaeng 'di niya nakikilala. Nakatalikod ito sa kanya kaya mas kita niya ang mukha ng kasama nitong babae. Umiiyak daw ang babaeng 'yon. Sa tantiya pa niya ay pumapasok pa ito sa kolehiyo dahil naka-uniporme pa ang katabi nitong babae na sa pakiramdam niya ay kaklase nito. Labis siyang nasaktan. Para bang hindi siya makahinga.

Napatigil ako sa pagbabasa. Nakaramdam ako ng pamilyar na sakit dahil sa nangyari na rin iyon sa akin. Ano mang gawin niya nang mga oras na 'yon ay maiintindihan ko. 'Di ba't minsan ko na ring nakita ang dati kong kasintahan, si KenKen, na nakikipaghalikan sa ibang babae. At para bang ikamamatay ko iyon—ang sakit na naramdaman ko noong sandaling iyon. Pero alam kong hindi iyon magagawa ni Aki sa kanya. O kahit sa kaninong babae. Iba si Aki kay Ken Ken. Bagaman may bahagi sa puso ko na nagsasabing hindi totoo ang sinasabi ni Alma Young o baka nagkamali lang siya, may bahagi rin sa aking natatakot nang ituloy pa ang pagbabasa, na baka may malaman lang akong 'di ko magustuhan.

Bakit niya sinasabi ang mga bagay na ito sa libro niya? Hindi ako mapakali. Inabot ko ang libreng kamay ni Ara para makuha ang atensyon nito. "Ara, nabasa mo na ang part noong pumunta si Alma Young sa CNBar?"

"Yeah. I hate that part. Teka, h'wag mo akong abalahin, I'm almost done," naiiritang sabi ng aking supportive na BFF.

Kaya naman ibinalik ko na ulit ang pokus ko sa malapit ko na ring matapos na libro.

Galit na galit siya sa babaeng lumalandi sa kasintahan niya. Pero mas galit siya kay Aki. Akala niya'y kilalang-kilala na niya ito. Pero hindi pa pala. Doon niya napagtanto na baka nga hindi ito ang lalaking para sa kanya.

Lumabas siya ng bar at 'di man lang nagpakita kay Aki. Ipinangako niya sa sarili niya na simula sa araw na 'yon ay 'di na siya muling makikipagkita pa rito. Para makalimutan na niya ito. Kahit masakit ito sa kanya. Para hindi na raw siya lalo pang masaktan.

Bigla ko namang naalala ang gabi nang magpunta kami ni Ara sa bar na 'yon. "Ara, naaalala mo ba nang magpunta tayo sa CNBar?" pangungulit ko ulit sa BFF ko na halatang ayaw maabala sa pagbabasa.

"Yeah. That one night. Medyo naaalala ko pa, pero ayaw mo kasing pag-usapan na 'tin ang araw na 'yon kaya never kong in-open sa 'yo. Magbasa ka na muna d'yan."

"Oo nga. So anong naaalala mo?"

"Inaabala mo naman ako sa pagbabasa e," reklamo niya. "Teka!" sigaw niya. "Parang tayo 'yung dalawang babae sa kuwento ni Alma Young. Haha. 'Di ba? Nakakatuwa. Wala lang, naisip ko lang bigla. That's so us. Naka-uniform pa ako that night and you're not dahil sa poetry performance mo."

"Posible ba?" agad kong tanong.

"S'yempre hindi. Of all the people, tayo pa? Ano 'yon destiny?"

"Tama ka nga. 'Di ko maalalang nakita ko siya no'n. Lalo na 'yung kissing part."

"'Di ba sabi mo nga wala kang naaalala nang gabing 'yon," naiinis na niyang tugon.

"So posibleng nakita na natin siya noon?"

Natigilan siya. "Wait... hindi p'wede." Agad siyang bumalik sa mga naunang pahina na nabasa na niya."Sabi ko na nga ba," sambit ni Ara nang nakatitig na ito sa isang pahina sa gitnang bahagi ng huling kabanata.

"Na ano?"

"Na pamilyar 'yang Aki na 'yan."

"You mean what?"

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon