"Sir Third, they're all waiting for you at the boardroom," sabi ni Dian, ang EA ni Sir Third. Tumango rin ito sa akin at saka ngumiti. Maganda ito at tulad ng ibang babae sa office, sophisticated itong manamit. Nang ipakilala ako sa kanya ni Sir Aki kanina, alam ko nang isa siya sa mga magiging kaibigan ko rito sa office.
"Yeah, papunta na kami. Sinusundo ko lang 'tong si Ms. Mica," sagot nito na ibinalik sa akin ang tingin. "So are you ready?"
"As in ngayon na sir?" pangangamba ko.
"Hindi, hindi bukas pa," natatawang sagot ni Dian na may halong tuya. "Oo nga kasi, nando'n na silang lahat, kayo na lang po ang hinihintay." Naalala ko bigla sa kanya si Ara.
Oh my.... This is it. Daig ko pa ngayon ang magde-defend ng thesis ko. Kababasa ko lang ng PowerPoint presentation na wala akong masyadong background. Bahala na, sa isip-isip ko.
Magaan ang loob ko kay Dian at nagkaroon pa kami ng oras makapag-usap bago kami makarating sa boardroom.
Malawak ang boardroom na may mahabang mesa, maraming itim na swivel chairs, at mga speaker sa paligid. May malaki ring screen sa unahan nito kung saan marahil tatayo ang taong magpe-present ng kaniyang proposal.
"Everyone, this is Ms. Mica Santos, Kuya Aki's new EA," pagpapakilala sa akin ni Sir Third pagpasok namin sa kuwarto.
"Mica?" tanong ng isang lalaki.
"Mica?" tanong ng isa pa habang napapatingin sa ibang board members.
"Mica?" pag-uulit ng babaeng katabi niya. At patuloy na umalingawngaw ang pangalan ko sa buong kuwarto na para bang lahat sila'y nagulat at nagtataka. Yes I'm Mica, bulong ko sa sarili ko. Anong mayro'n sa pangalan ko?
"Yeah, her name is Mica," pag-uulit ni Sir Third.
"Please to meet you, Mica," pagbati sa akin ni Mr. President na tumayo pa mula sa pagkakaupo niya. Ikinagulat ko ang paglapit nito sa akin, at ang mainit niyang pagkamay.
"It's my pleasure, sir," sagot ko rito na 'di maikakailang kinakabahan.
"So yeah, what do you have for us, Mica?" tanong nito. Pareho sila ng mga mata ni Sir Aki. At hindi tulad ng ibang mga CEO, mukha siyang hindi istrikto. 'Yung hindi intimidating na boss.
"Hi everyone, and thank you for the warmest welcome. Unfortunately, Sir Aki is not around to personally present to you his latest project, but that's why I'm here now, I'd be more willing to share it with you guys," pauna ko na kunwari ay hindi kinakabahan, na kunwari ay alam na ang ipe-present. Pero hindi ko mawari kung bakit hindi man lang nila hinanap ang boss ko. Siguro sanay na silang hindi ito humaharap sa mga ganitong pagpupulong. Hindi nga ba? Ang dami ko pa talagang hindi alam tungkol sa kanya.
"Interesting," puna ng isang board member
"Continue, Mica," sabi ng isa pang board member.
Sinimulan ko nang talakayin sa kanila ang bagong proposal ni Sir Aki. Tungkol nga ito sa magiging bagong atraksyon sa pinakamalaking leisure park sa bansa, ang Fate Enchanted, kung nasa'n ang ang pinakamalaking ferris wheel sa bansa. Ang maganda kasi sa Fate Enchanted ay ang nostalgic effect nito, isama pa ang modern twist at exciting rides na unique sa park. Mayro'n din itong artificial lake at isang mini farm bukod nga sa Lovers' Maze & Chase.
Mukhang nagustuhan naman nila ang bagong proposal na ang boss ko mismo ang gumawa, o maaari ring ang dati niyang assistant. Pero ngayon ko lang nalaman na si Sir Aki pala ang namamahala sa buong Fate Enchanted at pati na rin sa mga sister café nito habang ang mga hotel at condominiums ay kay Sir Third nakatalaga. Ang shopping malls naman ay nanatiling hawak ni Mr. President.
BINABASA MO ANG
One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)
ChickLitMek is a hopeless romantic and she is determined to write her own destiny. 'Tapos makikita niya ang pangalan na nakasulat sa isang piraso ng papel na testing-an ng ballpen sa paboritong bookstore. Sa bookstore kung saan niya nakita ang kyut na lalak...