22. The Dinner 🍩

6.9K 170 47
                                    

"Kahit kailan talaga... bwisit 'yang si Ken Lee na 'yan," inis na sabi ni Ara nang ikuwento ko rito ang istorya nina Mystery Mica (MM) at Sir Aki. Binanggit ko rin kasi rito ang teorya ko tungkol sa lalaking naka-hoodie. Hindi ko maintindihan kung bakit ipinagpipilitan ng puso ko na si Aki nga 'yon. Na dapat hindi ako nag-walk out noong mga sandaling 'yon.

"H'wag na natin siyang isali sa usapan. Nangyari na ang dapat mangyari. Let's admit the fact na minahal ko talaga ang tao, nasaktan ako at ngayon naman ay naka-move on na ako—which is the best part," tugon ko rito.

"Hay naku. Hindi mo pa ba nakikita? Bes, kung hindi dahil sa Ken Lee na 'yan, matagal na kayong nagkakilala ni Sir Aki mo. Hindi na niya sana nakilala pa 'yung epal na MM na 'yon. Kung hindi mo sana itunuon ang buong buhay mo sa Ken-ken na 'yan at naniwala sa mga pangako niyang napako, hindi ka magwa-walk out sa lalaking naka-red hoodie. Kay Mr. Soulmate."

"E bes, 'di naman tayo sigurado na si Sir Aki nga ang nakita ko no'n. Teorya ko lang 'yon."

"'Di ba ang sabi mo nga, 2 years ago rin, sa parehong maze, may nakita ka ring lalaking naka-hoodie na hindi mo na kinilala pa? Na basta mo na lang iniwan. Anong tawag do'n, coincidence lang?"

"Siguro."

"Ah basta sigurado akong siya 'yon," sabi pa niya na parang siya mismo ang nakakita rito. "Teka ano na bang istatus n'yong dalawa?"

***

By Wednesday, sabay kaming nag-lunch ni Dian at napag-usapan namin ang balak niyang pagre-resign dahil sa gusto na niyang magturo, at magamit ang degree niya. Tinulungan ko rin sila ni Sir Third sa ilang trabaho nila on that busy afternoon. Kaya naman nagkaroon din kaming dalawa ng pagkakataong makapag-kuwentuhan. Ibang-ibang talaga ang ugali nito kung ihahambing sa boss love ko. It's weird pero nakikita ko sa kanya ang kaibigang si Mark. Mabilis ko rin itong nakalagayan ng loob kaya naman ang dali-dali lang din sa aking mag-kuwento rito. Lalo naman akong natuwa rito nang siya naman ang mag-kuwento.

"People always judge my brother. Kahit hindi naman nila alam ang mga pinagdaanan nito," pauna nito. S'yempre nagulat ako sa litanya niya.

"Pinagdaanan?" I asked.

"Well, kuya worked really hard just to get his position. Hindi naman basta na lang 'yon binigay sa kanya unlike me na appointed lang. He's the smartest in the family, I must say. He was the valedictorian of his high school class. And in college, he graduated as a Cum Laude. That's why I know that it's has always been hard for him to not remember everything. To forget about the things he used to know."

"That he never told me."

"Did he tell you how his love for writing pens started?"

"Hindi pa nga. Lately, hindi na kami madalas makapag-kuwentuhan."

"Alam mo naman na hindi umaalis si kuya na walang dalang bolpen, kasama na iyon ng planner niya kahit kaya na niya iyong gawin sa smartphone ngayon. Sabi niya, iba pa rin daw ang handwritten at ang alaalang mayroon ito. He's very organized, alam mo 'yan. Ayaw niya sa makalat at lagi siyang mayroong to-do list. Kahit ang mga bagay na nagawa at natapos na niya, gusto pa rin niyang i-jut down. Parang diary na journal, 'di ba?"

"Oo nga. I noticed that."

"As I was saying, his love for writing pens started when he was in second grade. Nasa prep pa ako noon. Ang sabi ni mama, ayaw raw makipaglaro sa akin ni kuya. Kahit sa ibang bata, ayaw rin nito. Bukod sa timid na personality nito noon, mas gusto daw nitong maglaro mag-isa kasama ang mga mamahaling laruan na regalo nina Dad at Lolo. Kaya naman noong 7th birthday nito, galak na galak raw ito sa magiging mga regalo nito. But he never liked what Lolo gave him, at first. Isa lang naman iyong bolpen. Siguro sa isip-isip ni kuya, ano namang gagawin ko sa bolpen? But Lolo told him something on that day. Ang sabi nito, 'Apo, I'm giving you this pen for a big reason. Someday, you'll grow up and possibly taller than us. But remember this, it's you, only you, who write your own destiny. So you have to start writing now. Be like your father. Or might as well, be greater than him.'"

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon