Sa hindi ko malamang dahilan, agad akong nagtungo sa labas ng aming tinutuluyan bahay nang magising ako. Lalo na ang naramdaman ko nang tumitig ako sa bakanteng espasyong nakaharap sa bahay namin. Parang may nawawala. Nakabibingi ang katahimikan ng umaga. Para bang may gusto akong makita o marinig. O maramdaman. May hinahanap na 'di makita-kita.
"How's your boss so far? Kaya pa?" bati sa'kin ni Dian nang magkasabay kami sa elevator paakyat sa ika-32 palapag.
Napangiti ako at nasabing, "He's nice naman."
Kami lang dalawa ni Dian ang nasa loob ng elevator at bigla siyang humarap sa akin. Siguro gusto niyang siguraduhin kung seryoso ako sa mga nasabi ko. "Seriously? Tell me Mica na mali ang iniisip ko," saysay nito na nakakaloko ang bungisngis.
"Seryoso. Actually tinreat [treat] pa niya ako kahapon ng coffee after ng presentation ko. He even praised my presentation na 'di naman niya talaga nakita," kuwento ko rito habang pinipisil ang tali ng hawak kong paper bag.
"Hala... iba na 'yan. Aminin mo nga sa'kin, nafa-fall ka na sa kanya 'no?"
At lakas loob ko iyong itinanggi sa kanya. Unang-una, dahil hindi na kasi talaga sumasagi sa isip ko ang posibilidad na magkakagusto ako sa kanya. Pangalawa, alam kong hindi p'wede at imposibleng mahulog ang loob nito sa akin. Pangatlo, kota na ako sa heartbreak.
Sinabihan ko na lang si Dian na h'wag na h'wag niya akong aasarin sa harap ng boss ko, at baka mailang pa ako rito.
'Di na ako nagulat na sa pagpasok ko sa opisina niya ay wala pa ito rito. Mga isang oras ko rin siguro itong hinintay. At hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa pagdating niya.
"Oh, ba't parang nakakita ka ng multo? Masyado ka namang natataranta e, 'pag nakikita mo ang pogi mong boss," bati nito sa akin. "Good morning pala, Ms. Santos," dugtong nito nang mapansin niyang wala sa plano kong mag-reply sa kanya.
"Yabang talaga," bulong ko habang inaalis ang ibang laman ng paper bag na dala ko. At may mga bulong na sadyang gusto mong marinig nila. Isa ito roon.
"May sinasabi ka? At ano 'yang mga dala mo sa'kin? Ikaw talaga, nakakahalata na ako sa'yo," tudyo nito.
Inabot ko sa kanya ang dala kong paperbag na laman ang mga ipinahiram niya sa aking damit at sapatos noong nakaraang Miyerkules. Pero 'di niya ito tinanggap at sinabing, "Kung ayaw mo, itapon mo na lang."
S'yempre pa, hindi ko itatapon ang mga 'yon. Mas maayos pa nga ang mga ito sa mga damit na nabibili ko sa ukay-ukay.
Paminsan-minsan ay sinisilip ko siya sa may desk niya at nakakatawang mas mahaba pa ang oras na naitutulog nito kaysa nagtatrabaho ito. Anong klase siyang boss?
Kaya naman naisip ko na lang na ipagtimpla ito ng kape. Para mawala ang antok niya. Para maturuan niya rin ako sa iba kong duties. Mabuti na lang at marami akong baong sachet ng 3-in-1 coffee.
"Sir, coffee," nag-aalangan kong paggising rito.
"Sweet. Kaya kita hinire [hire] e. 'Di na kita kailangan pang utusan." 'Buti na lang at 'di niya ikinagalit ang paggising ko sa mahimbing niyang pagkakatulog. Bakit may mga taong kahit tulog, tulo na ang laway, nakasimangot o kahit galit na galit na ang ekspresyon ng mukha ay g'wapo pa rin? Isa siya sa mga ito.
"Wala lang, sir. Naalala ko lang sa ilang movies na napanood ko, 'yung mga EA ipinagtitimpla nila ng kape ang mga boss nila."
Tinanong pa niya ako kung saan ako kumuha ng tasa at kape dahil wala naman siyang stock ng mga ito sa loob ng kuwartong iyon. Sinabi ko sa kanya na namili ako kahapon kasama si Ara ng mga kape at pati na rin ng tasa at tumbler. Hindi ko alam kung bakit siya natatawa sa'kin. First job ko kaya 'to. First time ko ring magkaroon ng work station at gusto ko marami itong laman.
BINABASA MO ANG
One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)
ChickLitMek is a hopeless romantic and she is determined to write her own destiny. 'Tapos makikita niya ang pangalan na nakasulat sa isang piraso ng papel na testing-an ng ballpen sa paboritong bookstore. Sa bookstore kung saan niya nakita ang kyut na lalak...