11. The SMS 📮

7.9K 229 105
                                    

"Sige sir, sasakyan na lang kita sa mga kalokohan mo," singhal ko.

"I'm serious," aniya. "Now, tell me Mica, have we really met before? 'Yung totoo." Nakakatakot ang mga titig niya.

"To be honest sir, we've met just once," saad ko. Pero hindi ko alam kung paano ko susundan ang kuwento ko. Ayoko nang ipaalaala sa kanya ang katangahan kong nagawa noong nakaraang taon.

"Saan?" tanong nito habang inaalog ang tasa ng mainit niyang kape. Sa tasang iyon nakapako ang aming mga mata.

"S-sa bookstore, last year," tipid kong sagot na mahahalata mong ayaw nang magkuwento.

"Bakit hindi mo na lang ikuwento nang buo?" Mukha siyang batang nasasabik basahan ng isang kuwento.

"Sure ka? Okay," nag-aalangan kong tugon. "Nagkita tayo d'yan sa Kismet Bookshop last year. And you might ask me why I still remember you—your face hanggang ngayon. I must say, madaling sauluhin ang hitsura mo. But you're such a stalker, that's the problem."

"I beg your pardon?" Siyempre pa, gulat na gulat siya sa kuwento ko.

"Yes, sir, maniwala ka man o hindi, nabihag ka ng alindog ko last year. In fact, sinubukan mo pa ngang magtapat ng feelings mo sa'kin sa harap ng napakaraming tao. Nakakahiya kaya. Pero dahil sa 'di kita kilala ay tinarayan kita, and it broke your heart. Sorry pala do'n, sir. Hindi talaga ikaw 'yong tipo ko," saysay ko na alam n'yong puno ng kasinungalingan. 'Di ba mas magandang bersyon ito ng story?

"I did that?" seryoso nitong tanong.

"Bahala ka sir, kung ayaw mong maniwala."

"Anong date 'yon kung naaalala mo pa?"

"Mga third week ng February."

"It could be. I had the accident on that same week."

Natigilan ako. Nakonsiyensya ako sa pagsisinungaling ko.

"And they say it's because I was broken. Someone broke my break heart," dugtong niya.

"Sorry to hear that, sir. Ano ba talaga ang nangyari?" pag-uusisa ko.

"It's a very long story, Mica. Pero ang bottom line niya... that girl, nakalimutan ko siya nang buong-buo. Nabura siya sa utak at dito sa puso ko. Ni wala nga siyang picture sa bahay or kahit sa online accounts ko, which I believe I did delete and burn before the accident happened. Never din akong nagbasa ng article sa internet related to me sa pag-iwas na maalala ko ulit siya. And people around me never talk about her. Masasabi mo bang tama ang ginawa ko?"

Ano ba kasing ginawa niya? "Did you try to kill yourself?"

"No. I didn't. Or maybe I just did. Nag-drive lang naman ako habang lasing na lasing ako, sabi nila. 'Yung tipo ng pagkalasing na dapat mo nang itulog kasi hindi mo na alam ang ginagawa mo."

"Nalasing ka sa pag-ibig, sir," sabi ko. "Na hindi dapat. 'Pag nagmamahal daw tayo, dapat isipin din natin ang magiging epekto nito sa katawan at buhay natin," dagdag ko pa na parang ang daming alam sa pag-ibig. Siguro dahil na rin sa mga nababasa ko. "Hay. Ang mga taong minamahal natin, para silang alak, nakakaadik. 'Pag masaya ka, sila lang lagi ang gusto mong makasama. 'Pag malungkot ka, sa kanila ka pa rin kakapit. At 'di ba nga, 'pag nalalasing ka nang sobra may mga bagay kang nagagawa na maaari mong pagsisihan sa huli. Kaya hindi tayo dapat malasing sa pag-ibig." Ano raw? Ang lakas kong maka-love guru no'ng sinabi ko 'to sa kanya.

"Siguro nga, tamang tagay lang dapat. H'wag sobrahan ang alak. Magtira para sa sarili. Para 'pag kailangan mo nang umuwi sa bahay, magagawa mo pa. 'Yung tipong kaya mo pang tumayo mag-isa kahit 'di ka na niya inaalalayan. Kasi hindi sa lahat ng pagkakataon nand'yan sila sa tabi mo. Kaya hindi dapat sa kanila lang umiikot ang buhay natin."

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon