Dextar's Point Of View
HINDI AKO mapirmi sa iisang posisyon habang nakahiga na ko sa kama. Madaling araw na pero hindi man lang ako dalawin ng antok. Nagpapaulit-ulit kasi sa isipan ko ang ginawa kong pag-halik kay Diane.
Nahawakan ko ang labi ko at inalala ang malambot at mapulang labi ni Diane na dumampi sa'kin. Naglapat lamang 'yon ngunit malaki ang naging epekto sa'kin. Para bang bumalik ako sa pagkabinata at 'yon ang unang beses na nakahalik ako ng babae.
Bumalik din sa isipan ko ang naging reaksyon ni Diane. Napangisi ako nang maalala kung gaano kasama ang tingin niya sa'kin ngunit kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Ni wala siyang sinabi, basta na lamang siyang bumalik sa pag-inom ng alak. Naging tahimik man kami sa biyahe pauwi ay hindi na nawala pa ang pakiramdam ko mula nang dumapo ang labi ko sa labi niya.
Papaliwanag na ang langit nang makatulog ako. Tuloy ay tanghali na ako nagising, at cellphone agad ang hinawakan ko para bumati kay Diane.
To: My baby.
Good morning baby.
Napangiti pa ako bago bumangon at mag-ayos. Nang matapos ay lumabas na ko ng kwarto. Wala si mom at dad nang makababa ako kaya ang maids ang umasikaso sa paghahain ng pagkain sa'kin.
"Manang, paki-balot po yung mga tirang pagkain. Thanks." Pasuyo ko sa isang maid namin nang matapos akong kumain.
Bumili muna ako ng bulaklak bago dumiretso sa apartment nila Diane. Nang ihinto ko ang kotse ay nakita kong nasa tapat na ng gate si Aiverson. Mabilis akong bumaba at lumapit sa kaniya.
"Hey bro." Agaw pansin ko kay Aiverson. Tinignan niya lang ako at pinindot ang doorbell.
Napangiwi ako, minsan talaga ay ganito ang ugali ni Aiverson. Kung tignan ka ay parang hindi ka kilala. O sadyang sa'kin lang siya ganito. Pati si Klyn ganito ang trato sa'kin. Pakiramdam ko tuloy ay may sama sila ng loob sa'kin. Marahil ay dahil sa looks ko? Hindi 'yon imposible.
Napatingin ako sa taong nagbukas ng gate. Speaking of Klyn, siya ang taong nasa harap namin at kung makatitig din ay para bang kinikwestiyon kung bakit kami nandito. Pinasadahan niya pa kami ng tingin.
"Nandiyan ba si Diane?"
"Nandiyan ba si Angel?"
Sabay na tanong namin ni Aiverson kay Klyn. "They're inside." Tugon naman ni Klyn at pinatuloy na kami. Nagvivideo-oke sila nang makapasok kami. Matapos naming makipagbatian ay nagsimula na kaming magkantahan na may tawanan.
Matapos kumanta ni Kyla ay napayakap si Klyn sa kaniya at sinubsob ang mukha sa gilid ng leeg nito. Napangiwi naman ako sa kanila.
"Grabe naman 'yan, respeto naman sa mga single dito." Komento ni Tristhan.
"Ikaw lang single dito, tanga." Natatawang sabi ko kay Tristhan. Agad naman nanlaki ang mata niya sa'kin.
"Kung makapagsalita ka naman akala mo sinagot ka na ni ate Diane!" Anas niya sa'kin.
Napangisi ako at napatingin kay Diane. Hinawakan ko siya sa bewang at kinindatan bago ulit tumingin kay Tristhan. "Soon, Tristhan. Soon..."
Kunwari siyang natawa. "Matulog ka na lang at managinip."
Inis ko naman siyang tinignan kaya natawa siya. Naagaw na naman ni Kyla ang atensyon namin nang magsalita ulit siya.
"Si Klyn na ang kakanta. Next si Dextar, tapos si Aiverson na."