Chapter 48

24 5 0
                                    

Dextar's Point Of View

NAKAHINGA AKO ng maluwag matapos ako bigyan ng kasiguraduhan ni Diane na hindi niya ko iiwan. Sobra ang takot at kaba ko nang makatagpo namin si Stacey. Ang isa sa mga babaeng may nakaraan ako. Akala ko talaga ay nagbago ang tingin sa'kin ni Diane at mandidiri siya sa'kin, pero gano'n na lang ang emosyon ko matapos kong marinig ang nararamdaman niya.

Talagang habang tumatagal ay palala ng palala ang pagmamahal ko sa babaeng ito. Hindi ko siya magagawang ipaglapit sa kahit na sino. Ako na siguro ang pinaka-tanga sa buong mundo kung papakawalan ko pa siya. Sa tingin ko rin ay hindi na ko makakakita pa ng babaeng katulad niya na tanggap na tanggap ang buong pagkatao ko, na kahit gaano ako kagago noon, ay nagawa niya pa rin akong mahalin ngayon.

Matapos ng araw na 'yon ay sinimulan ko na ang pagpa-plano kong yayain siyang pakasalan ako. Katulong ko ang secretary kong si Hannah sa paghahanap ng magagandang singsing. Pero nakahanap kami ng event organizer na willing kaming tulungan sa paghahanap ng gusto kong singsing, at pati na rin sa paghahanda sa proposal ko kay Diane.

"I already gave your number to them sir. Wait niyo na lang daw po yung call nila." Ani Hannah nang makapasok sa office room ko.

Tumango ako at ngumiti. "Okay. Thank you Hannah."

"May kailangan pa po ba kayo?"

Kinuha ko ang salamin ko at isinuot 'yon. Magsisimula na naman kasi akong magbasa. "Make coffee for me please."

"Okay sir." Lumabas agad si Hannah at ginawa ang sinabi ko. Nang maihatid niya 'yon sa'kin ay siya namang pasok ni Selena. Pero hindi ko na siya nagawang lingunin dahil nagtitingin na ko ng magagandang lugar kung saan ko pwedeng dalhin si Diane. Gusto ko sanang bumalik kami sa Aurora pero balak kong isama pati ang mga kaibigan niya at ang pamilya ko. Mas maganda kung sa isla ko siya dalhin, yung talagang solo namin ang lugar.

Tipid lang ang isinasagot ko kay Selena. Natigil lang siya sa katatanong sa'kin nang tumunog ang cellphone ko, indikasyon na may tumatawag.

"Yes?" Bungad ko sa tumawag.

"Good day Mr. Santiago. I'm Helena Elizalde, from Event Inc. I've talked to your secretary and we're willing to help find your wanted ring for your girlfriend and to make your proposal more beautiful and awesome."

Napaayos ako ng upo at saka tumugon. "Ah yeah. Gusto ko sanang makita ng personal yung mga singsing."

"Yes sir. When will be the schedule of our meet up?"

"I'm not sure kung kailan ako magkakaroon ng bakante, I'll ask my secretary about it, then I'll call you again para mag-set ng date to meet you."

"Alright sir. We will prepare different kinds of design first for you to choose. As soon as possible we will reach out to you again when we're finally done. Because I can feel that you badly wanting to kneel down in front of you girl already sir?"

Bahagya akong natawa na may bahid ng tamis. "No, hindi naman. Ayoko rin masiyadong madaliin ang preparation, gusto kong maging perpektong pagkakataon ito para sa'ming dalawa." Nakangiting ani ko. "I'm planning pa lang, gusto kong mangyari 'yon kapag wala na kong ginagawa masiyado sa work."

"I understand sir. So, I'll call again sir once we're settled and it's up to you if when we'll do the meet up thing. I'll assure you that we will bring one of the famous ring maker in the country sir. Thank you Mr. Santiago! Have a nice day!"

Ngumiti ulit ako at bahagyang tumango. "Okay, thank you. See you soon."

"Who's you're talking with?"

A Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon