Diane's Point Of View
"YOU'RE SO handsome my baby." Nakangiting usal ko kay Dexiane matapos ko siyang bihisan at ayusin ang buhok niya. Plano kong igala siya sa Mall dahil naging busy talaga ako nitong mga nakaraang buwan, at gusto kong bumawi sa kaniya.
"I know po mama." Ngumiti rin si Dexiane sa'kin. Talagang may pinagmanahan siya.
"Let's go?" Tumayo na ko at hinawakan ang kamay niya. Excited naman siyang tumango-tango sa'kin. Napangiti ako saka ko siya inalalayan papalabas ng kwarto at pababa ng hadgan.
"Mama, where is dada po?" Biglang tanong sa'kin ni Dexiane habang pababa kami.
Sandali akong natigilan. Nangunot na naman ang noo ko nang maisip ko si Dextar. "He's... out of the country."
"Di siya po join sa'tin po mama?"
Bumuntong hininga ako. "No."
"How sad." Naging malungkot ang boses ng anak ko. "Usto ko na po ulit play with him po." Dagdag niya pa. Hindi na ko sumagot hanggang sa makarating kami sa living room kung saan naghihintay sa'min si Angel.
"Kailan po siya balik po mama?" Nagtanong na naman ang anak ko tungkol kay Dextar.
Nagbaba ako ng tingin sa kaniya at nagpilit ng ngiti. "I don't know baby."
"Hello cutie boy." Lumapit si Angel sa'min.
"Handsome po ako tita mommy, not po cutie." Magiliw na tugon naman ng anak ko sa kaniya. Nakangiting nagkatinginan muna kami ni Angel bago ulit tumingin kay Dexiane.
"No baby. You're both handsome and cute." Pagtatama ni Angel saka bahagyang pinisil ang pisngi nito.
"Talamat." Bulol na pasasalamat ni Dexiane sa tita niya. Natawa kami ni Angel sa ka-cute-an niya.
"Baby, It's not talamat--It's salamat." Pagtatama ko sa kaniya. Inosente naman niya kong tiningala.
"Talamat."
Nakangiting umiling ako. "Sa--la--mat. Salamat."
"Talamat."
Natawa ulit kami ni Angel. "It's letter S baby not T." Giit ko pa. Napanguso ang anak ko sa'kin.
"Shalamat?"
My son is so cute! Hahaha!
Ngumiti ako ng malawak sa kaniya saka dinampian ko siya ng halik sa noo. "We'll continue later." Giit ko saka kinarga siya palabas. Sumunod naman si Angel sa'min.
Habang nasa biyahe ay paulit-ulit na kumakanta ng Alphabet song si Dexiane. Pinapahinto ko naman siya kapag nasa letter S na siya at tuturuan ulit ng tamang pangbanggit sa salitang salamat. May pagkakataon na nababanggit niya ng tama pero bumabalik din siya agad sa salitang talamat.
Napasimangot ang anak ko nang magsawa na siya. Natawa na lang ako at niyakap siya. Kapagkuwan ay nagsimula naman siyang magbilang. Naalala ko naman si Dextar dahil siya ang nagturong magbilang kay Dexiane hanggang isang daan.
Bakit kaya bigla na lang umalis ang mokong na 'yon? Psh! 'Wag niya sabihing itinuloy niya na ang sinabi niya sa'kin noon na lalayuan at kakalimutan na niya ako?