Diane's Point Of View
"KISHA, PWEDE ba tayong mag-usap?" Tanong ko kay Kisha nang masalubong ko siya papasok sa dining area.
Nilingon ni Kisha sila Kyla kaya napagaya ako sa kaniya, nakatingin na rin sila sa'min habang kumakain ng almusal.
"Sure." Nakangiting pumayag si Kisha nang bumaling ulit siya sa'kin. Ngumiti rin ako sa kaniya at naglakad pabalik sa sala. Nang huminto ako para harapin na siya ay huminto na rin si Kisha.
"M-may pasok ka ba ngayon?" Tanong ko muna sa kaniya.
"None. Day off namin every sunday." Sagot ni Kisha. Nakangiti pa rin. Sa isang Clothing Company pumapasok si Kisha sa Manhattan.
Napansin ni Kisha na parang nahihiya akong magsalita kaya inunahan niya na ko. "Kung may kailangan ka Diane, 'wag kang mahiyang magsabi sa'kin." Ani Kisha na hinawakan pa ang balikat ko.
Nagpilit ako ng ngiti at umiling. "A-ah, wala. Sapat na sa'ming pinatuloy mo kami dito. Salamat." Sabi ko naman at bahagyang tumungo. "M-may aaminin lang ako sa'yo. Uhmm... y-yung sinabi ko sa'yong dahilan noon... kung bakit gusto kong magbakasyon dito. Nabanggit ko sa'yo yung nangyari sa'min ni Dextar diba? Na dahil sa ginawa niya sa'kin, gusto kong--"
"That you want to get rid of him. I know that part." Putol ni Kisha. Napalunok naman ako at nag-angat ng tingin sa kaniya.
"M-may... iba pa kasing dahilan bukod do'n."
Pumaskil ang pag-aalala sa mukha niya. "Is it about our relatives again?"
"I-isa pa 'yon pero... K-kisha... kasi..." Hindi ko madiretso ang sasabihin. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas ng loob. "I'm pregnant."
"Oh my god..." Napatakip ng bibig si Kisha at halatang nagulat sa narinig.
"I'm one month pregnant." Paglilinaw ko pa at nagbaba ng tingin.
"S-si Dextar ba--" Alam ko na ang itatanong niya kaya tumango na agad ako. "Did he know?"
Nagtiim ang bagang ko. "No. At wala akong balak ipaalam."
"B-but Diane... don't get me wrong but... he's the father..." Giit ni Kisha. "And he deserves to know--"
"He doesn't."
Bumuntong hininga si Kisha. "I really do respect your decision Diane but... I know you still have a plan to tell this to Dextar in the future right? Hindi mo naman 'to habang buhay itatago sa kaniya diba? Because if you're going to ask me, karapatan din ng bata na makilala yung ama niya. At hindi rin imposibleng magtanong siya sa'yo kapag may isip na siya."
Napailing ako dahil hindi kailanman pumasok sa isip ko 'yon. Galit ako kay Dextar, 'yon lang ang nasa isip ko. Siya ang dahilan kung bakit kailangan ko ring itago ang anak namin mula sa kaniya, wala siyang kwentang kasintahan kaya wala rin siyang kwentang ama.
Bumuntong hininga ako para alisin ang namumuong galit sa puso ko. "H-hindi ko pa alam. Sa ngayon kasi yung mga plano namin ng kaibigan ko yung iniisip ko, at balak ko na rin magsimulang mag-ipon para sa'min ng baby ko." Sagot ko kay Kisha. "Ang totoo Kisha, kaya ko namang buhayin mag-isa ang anak ko, idagdag pang hindi ako literal na nag-iisa dahil kasama ko ang mga kaibigan ko--kayo. Kaya wala na kong pakialam kay Dextar. Mambabae siya sa Pinas hangga't gusto niya, pero wala na siyang mapapala sa'kin. Hangga't kaya kong itago, gagawin ko. Malayo lang rin ang anak ko sa gago niyang ama." Mahabang dadag ko pa, nilamon na ng galit dahil kay Dextar.