Chapter 60

24 8 0
                                    

Diane's Point Of View

"DESISYON! NAMISS ko kayo!" Bungad sa'min ni Kyla nang pagbuksan niya kami ng gate ng bahay nila. Nakangiti naman kami ni Angel na sinalubong ang yakap niya sa'min.

Ilang linggo ang lumipas bago namin nabisita si Kyla dito, binigyan muna kasi namin sila ng time ni Klyn dahil bagong kasal lamang sila. Nagkakatawagan naman kami at nakakapag-video call pa. Pero ngayon na lang ulit namin siya nakita ng personal.

"Kami rin! Sobra kitang namiss Ky! Huhuhu!" Literal na napaiyak si Angel habang nakayakap kami kay Kyla. Bahagya kaming nagulat ni Kyla na napatingin sa kaniya, pero nang humiwalay siya sa'min ay nakanguso na siya. Natawa tuloy kami.

"Nahahawa ka na ata kay Diane. Nagiging OA ka na rin." Nakangiwi ngunit nakangiting ani Kyla.

"Ba't nadamay ako?" Tanong ko.

"Eh kayong dalawa na lang naman ang magkasama sa bahay bukod kay Tristhan. Hindi imposibleng mahawa siya sa pagiging OA mo." Paliwanag niya.

Napailing na lang ako at napangiti. "Psh! Hindi na ko papalag, pasalamat ka namiss ka talaga namin."

"Edi salamats hehe." Ngiting-ngiting aniya saka ulit kami niyakap ni Angel bago inanyayahan pumasok sa bahay nila. "Tigilan mo nga ang pag-iyak Gel!" Kunwaring sita ni Kyla kay Angel dahil umiiyak pa rin ito nang makarating kami sa sala nila.

"Eh kasi ngayon na lang talaga ulit namin nakita ka ng personal! Masama bang maiyak sa saya?" Katwiran naman ni Angel habang nagpupunas ng pisngi.

"You missed me that much huh?" Nakangising tanong ni Kyla. Parang batang tumango-tango si Angel kaya nakangiting pinunasan ni Kyla ang pisngi niya. "Dahil diyan, sasabihin ko mamaya kay Klyn na sa bahay niyo ako matutulog."

Malapad na napangiti si Angel, nahawa naman ako. "Talaga?"

"Yupyup!"

"Yieee! Sa iisang room tayo ah?"

"Opcurs!" Kinindatan siya ni Kyla saka bumaling sa'kin. "Ikaw? Namiss mo ba talaga ako? Mukha kang tuod diyan."

"Sinabi ko na sa'yo kanina diba?"

"Eh bakit hindi ka umiiyak?"

"Nakangiti naman ako."

"Oo, ng pilit." Nginiwian niya ko. "Pag-usapan natin 'yan, maghahanda muna ako ng breakfast natin."

"Tutulungan kita!" Presinta ni Angel. Inanyayahan ulit kami ni Kyla na magtungo sa kusina nilang moderno at malawak.

Dumiretso sila Kyla at Angel sa kitchen counter habang ako ay sa kitchen island at naupo sa high chair sa harap niyon.

"Nasa'n ang asawa mo?" Tanong ko kay Kyla.

"Tulog pa siya. Napuyat siya kagabi e."

Nagkatinginan kami ni Angel na may nakakalokong ngiti.

"Bakit naman?" Nanunuksong tanong ko. Parang wala lang naman kay Kyla ang reaksyon namin at nagtungo pa siya sa pantry nila dito sa kusina.

A Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon