Diane's Point Of View
INIS AKONG napadilat nang ilang oras na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng pesteng antok na 'yan. Ayoko man, pero nagpapaulit-ulit sa aking isipan ang nakakakilabot na nangyari sa pagitan namin ni Dextar kanina. 'Yon ang unang beses na naranasan ko 'yon, at siya lang ang nakagawa sa'kin niyon. Hindi ko alam kung bakit pumayag at hinayaan ko lang siya.
Ang totoo ay siya rin ang unang nakahalik sa'kin. Walang sino mang lalaki ang nakahawak sa kamay ko, nakayakap, at nakahalik sa'kin. Wala kasi talagang sumubok sa pagiging suplada ko noon, si Dextar lang!
Pakining shet...
Natinag ako sa pagtitig sa kisame nang tumunog ang cellphone ko, indikasyon na may nagpadala ng mensahe sa'kin. Kinuha ko 'yon at tinignan kung kanino ito galing. Kay Dextar!
Pumaskil ulit sa isip ko ang naganap kanina, mariin pa akong napapikit nang tila maramdaman ko muli ang daliri niya sa ibaba ko. Nakagat ko ang labi ko nang makaramdam ako ng kiliti do'n.
Umiling ako ng umiling hanggang sa mawala ang nasa isip ko, pati na rin ang nararamdaman kong kiliti. Binuksan ko na lamang ang message para basahin ang sinabi ni Dextar sa text.
From: Sangago
Happy Birthday baby! Are you still up?
Napatitig ako do'n at bahagyang natuwa. Kaka-alas-dose pa lang ng madaling araw at siya ang unang bumati sa'kin sa kaarawan ko. Pero sa kabila niyon ay napapaisip ako kung sasabihin ko ba sa kaniyang gising pa ako at hindi makatulog. Sa sobrang kapraningan ko ay baka mahulaan niyang inaalala ko ang nangyari kanina kaya hindi ako dinadalaw ng antok. Pero ang nakakaloko ay 'yon naman talaga ang totoo.
To: Sangago
Salamat!
Sa huli ay ipinarating ko pa ring gising pa ko. Wala pang limang segundo ay nagreply na siya.
From: Sangago
You're always welcome. But baby, I can't sleep.
To: Sangago
Bakit?
From: Sangago
Because your good taste keeps bugging me...
Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Napaawang ang labi pero mabilis ding kumunot ang noo. Magrereply na sana ako pero nagpadala ulit siya ng panibagong mensahe.
From: Sangago
Especially the taste between in your legs.
Muntik na akong mapamura! Nagsalubong ang kilay ko pero binalot rin ng kahihiyan. Hindi ako makapaniwalang nakakapagsalita na ng ganito si Dextar sa'kin. Naalala ko rin ang ginawa niyang pagkagat sa daliri niyang dumampi sa'kin kanina. Wala sa sarili kong pinag-krus ang hita ko. Na para bang nasa ibaba ko na naman siya at paghihiwalayin 'yon!
Ahhhh! Nakakaasar!
To: Sangago
Gago ka! 'Wag ka ng magpapakita sa'kin! Masasapak talaga kita! Manyakis!
Tahimik akong naghahabol ng hininga dahil sa pagsigaw ko sa aking isipan habang tinitipa ang mensahe na 'yon. Numinipis pa ang labi ko at gigil na pinagdidikit ang mga ngipin ko sa itaas at ibaba. Sobra akong naasar, pero sobra rin ang hiya ko.
From: Sangago
Baby, I can't do that. Alam mong hindi buo ang araw ko kapag hindi kita nakikita. And I'm not manyakis, you allowed me remember? You even moan my name, at nagpapaulit-ulit 'yon ngayon sa isip ko kaya hindi pa rin siya kumakalma.