Diane's Point Of View
SINAMAAN KO ng tingin si Dextar nang ibaba niya ang kamay kong nakataas pa rin ang gitnang daliri. Inayos niya ang porma ng mga daliri ko at saka niya 'yon hinawakan, pero nagpumiglas ako.
"B-baby--"
"Babalik na ko sa Esguerra Company." Giit ko.
Bumagsak ang balikat ni Dextar at hinawakan ulit ang kamay ko. "Pero hindi pa tayo kumakain."
"Pagkatapos ng sinabi nung mukhang bibe na 'yon? Tingin mo makakakain pa ko?!" Asik ko sa kaniya. Hindi pa rin nawawala ang inis ko sa babaeng 'yon!
Nagkalapat ang labi ni Dextar nang yakapin niya ako. "Baby... anong mukhang bibe?" Narinig at naramdaman ko siyang tumawa. Napangisi ako at nagpigil ng tawa, syempre, galit dapat ako. "Maupo na tayo okay?" Nakangiti siyang humiwalay sa'kin at iginaya na ko sa table namin. Inalalayan niya ko hanggang sa maupo ako.
Tahimik lang kami habang sineserve ang food namin. Alam kong nakikiramdam si Dextar sa'kin, at naghahanap ng tiyempo para makapagpaliwanag. Kaya nang magsimula akong kumain ay nagsalita na ulit siya.
"Baby, I'm sorry. I didn't expect na may makakasalubong tayo--"
"Sa pagiging fuckboi mo noon, hindi ka na dapat nagugulat." Prankang saad ko.
Nakita ko siyang napalunok. "Pero nagbago na ko baby--"
"Alam ko." Seryosong giit ko. Bumuntong hininga ako at tinigil na muna ang pagsubo ng pagkain. "Pero hindi maiiwasan na may makakasalubong ka talaga katulad nung babaeng 'yon na may nakaraan pala sa'yo. At ngayon pa lang ay nangigigil na ko sa isipin na maaaring hindi lang isa ang mae-encounter ko."
"I'm sorry talaga baby." Pabuntong hiningang aniya, nagbaba ng tingin at bagsak pa rin ang mga balikat niya. Nang mag-angat siya ng tingin sa'kin ay malungkot na ang mga mata niya. "Nagbago ba tingin mo sa'kin? Hindi mo na ba ko mahal?" Nakita kong nangilid ang mga luha sa mata niya. Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko sa tanawin na 'yon. Nasasaktan akong makita siyang gano'n kaya umiwas ako ng tingin.
"Matagal na kong nagsisi sa lahat ng ginawa ko sa nakaraan, at kahit kailan ay hindi na ulit ako babalik do'n. Oo, napupunan nila ang pagkalalaki ko. Pero hindi ako kailanman naging masaya nung mga panahon na 'yon, naging miserable ako baby. Ayoko na ulit maramdaman 'yon." Napatingin ako sa kaniya nang abutin niya ang isang kamay ko at ihaplos 'yon sa pisngi niya. "Please 'wag mo kong iwan. Gagawin ko lahat Diane, 'wag mo lang akong iwan. Hindi ko kakayanin--"
"Matagal na kitang tinanggap Dextar, lahat-lahat sa'yo. Maski ang nakaraan mo. Tingin mo ba magagawa kitang mahalin kung hanggang ngayon ay hindi ko pa rin 'yon natatanggap?" Tanong ko pa sa kaniya. Napatitig siya sa'kin pero may pag-aalala pa rin sa mga mata niya. Ngumiti ako sa kaniya at kusang hinaplos ang pisngi niya. "Walang taong perpekto. Lahat tayo ay nakakagawa ng pagkakamali, pero ang mahalaga naman ay yung nakakaramdam tayo ng pagsisisi at kung paano tayo nagbabago at bumabawi."
"Nakita at naramdaman ko 'yon Dextar, yung pagsisisi mo, at yung pagbabago mo. Sa loob ng isang taong relasyon natin, wala akong naaalala na pina-iyak mo ko dahil sa pambababae mo. Kaya gano'n na lang katindi ang tiwala ko sa'yo, dahil pinatutunayan mo araw-araw sa'kin na mahal mo ko." Sinsero ko pang sabi. "'Wag kang matakot at mag-alala. Dahil kahit mainis ako, mairita ako, at magalit ako sa mga babae na nakasalamuha mo dati... hindi kita iiwan." Binigyan ko siya ng kasiguraduhan.