Diane's Point Of View
"ARE YOU GUYS ready?" Nakangiting tanong sa'min ni Xian na nilingon pa kami mula sa driver seat na kinauupuan niya.
"Yes! We're ready!" Sabay-sabay na sagot nila Kyla, Angel, Kisha at Tristhan. Bahagya naman kaming natawa ni Xian sa kanila.
Nakasakay kami ngayon sa Van na pagmamay-ari ni Xian. Pupunta kami ngayon sa Mall para bumili ng mga gamit para kay baby dahil anytime this month ay lalabas na siya!
Nalaman namin ang gender ng baby nang magpunta kami ni Xian para magpa-check-up, sumailalim ako noon sa ultrasound kaya nalaman namin na lalaki ang magiging anak ko. At dahil nagta-trabaho pa ko noon at maraming inaasikaso, ngayon lang namin magagawang bumili ng mga gamit para kay baby.
Simula rin nang malaman ko kay Angel na nakita niya si Aiverson, napagdesisyunan kong tumigil na sa pagta-trabaho sa takot na baka nakakapunta na rin si Dextar dito nang hindi ko alam. Hindi niya kong pwedeng makita dahil halatang-halata na ang tiyan ko nung mga panahon na 'yon kaya hindi ako lumalabas ng bahay ni Kisha no'n.
Kaya kahit papaano ay nagawa kong tutukan ang sarili ko, sinusunod ko ang payo ng ob-gyne na nagtingin sa'kin. 'Yon ay kumain ng masusustanyang pagkain, uminom ng vitamins at kaonting ehersisyo.
"Manganganak ka na ba? Kanina ka pa hawak ng hawak sa tiyan mo."
Napalingon ako kay Kyla at nakitang pinagmamasdan niya ko. "Panay kasi ang galaw niya hehe." Nakangiting tugon ko naman.
Ngumiti rin si Kyla. "Pahawak nga." Hinawakan niya ang tiyan ko at inilapit pa ang mukha ro'n. "Sumisipa siya!" Biglang anas ni Kyla na nakaagaw ng atensyon ng lahat.
"What's going on?" Tinignan ako ni Xian mula sa rearview mirror. Ngumiti lang ako at umiling sa kaniya.
"The baby is kicking." Si Tristhan ang sumagot kay Xian saka kami nilingon dahil siya ang nasa tabi ng driver seat.
"Hala, pahawak din ako!" Si Angel at talagang inabot niya ang tiyan ko mula sa pwesto niya.
"Excited na ata siyang lumabas." Nakangiting sabi ni Kisha na nasa tabi ni Kyla.
"Excited na siya kamong makita ang kagwapuhan ng tito niya, diba baby?" Pagyayabang na naman ni Tristhan na nakatingin sa tiyan ko.
Psh! Manang-mana kay Dextar!
Nawala ang ngiti ko at kumunot ang noo dahil sa laman ng isip ko. Napangiwi ako at umiwas ng tingin. Hindi na dapat iniisip ang mga walang kwentang tao kagaya niya.
"Oo na lang." Nakangiwing tugon naman ni Kyla sa kapatid.
Nang makarating kami sa Mall ay agad na nagsibabaan ang mga kasama ko dahil sa excitement. Sa loob ng walong buwan na nandito kami sa bansang 'to ay ngayon pa lang kami makakapasok sa Mall. Kaya hindi ko sila masisisi.
Inalalayan ako ni Xian papalabas ng Van. Nakasuporta ang isang kamay niya sa likod ko habang papasok na kami sa Mall. Iniangkla ko naman ang isang kamay ko sa bewang niya dahil nahihilo ako sa dami ng taong nakakasalubong namin.
"Let's eat first." Giit ni Xian na sinang-ayunan naman namin. Naghahanap kami ng makakainan nang tanungin ako ni Xian. "You fine love?"
Ngumiti ako at tumango. "Yeah."
"Just tell me if you feel something weird okay?"
Tumango ulit ako sa kaniya. Nakaalalay pa rin siya sa'kin habang papasok kami sa restaurant na pinasukan ni Kisha.