Chapter 38

28 6 0
                                    

Diane's Point Of View

NAGISING ANG diwa ko nang maramdaman kong umangat saglit ang katawan ko, inayos ang pagkakahiga ko at pati na rin ang kumot na nakatabing sa katawan ko. Didilat na sana ako nang maramdaman ko naman ang paghaplos ng isang kamay sa noo papunta sa buhok ko. Kaya muling bumalik ang antok ko at muling nakatulog.

Hindi pa man gano'n katagal ang pagbabalik ko sa pagtulog nang tuluyan akong magising sa boses na naririnig ko. Kumakanta ito, kaya marahan kong idinilat ang mabibigat ko pang talukap sa mata.

Nasilaw ang mga mata ko sa liwanag, at doon ko napagtanto na umaga na pala. Nang dumilat ulit ako ay malinaw ko nang nakita ang gwapong mukha ni Dextar. Nakatunghay siya sa'kin, at hinahaplos pa rin ang noo ko habang patuloy ito sa pagkanta.

I'm seeing the pain, seeing the pleasure

Nobody but you, 'body but me

'Body but us, bodies together

I love to hold you close, tonight and always

I love to wake up next to you

I love to hold you close, tonight and always

I love to wake up next to you...

Napatitig ako sa kaniya, at namangha na naman sa boses niya. Mahina, malumanay at mas mabagal sa orihinal na kanta ang paraan niya ng pagbibigkas ng mga liriko. Mas lalo akong bumilib dahil do'n ko lang napagtanto na ka-timbre at ka-boses niya ang lalaking kumanta niyon.

So we'll piss off the neighbors

In the place that feels the tears

The place to lose your fears

Yeah, reckless behavior

A place that is so pure, so dirty and raw

In the bed all day, bed all day, bed all day

Fucking in, fighting on

It's our paradise and it's our war zone

It's our paradise and it's our war zone

Nakaramdam ako ng kiliti nang ngumiti si Dextar sa'kin. Titig na titig siya sa mukha ko, at gano'n din ako sa kaniya. Parang kailan lang yung mga panahon na naasiwa pa ko sa pagmumukha niya, naaasar sa ngiti at ngisi niya, at napipikon sa mga sinasabi niya.

Pero ngayon, napakabilis ng pangyayari para sa'kin, hindi ko namalayan. Para bang pagdilat ko ng isang araw, ay mahal ko na siya. Talagang kabigla-bigla, pero hindi ko aakalain na ito pa ang makakapagpasaya ng lubos sa'kin.

Pillow talk

My enemy, my ally

Prisoners

Then we're free, it's a thin line

I'm seeing the pain, seeing the pleasure

Nobody but you, 'body but me

'Body but us, bodies together

I love to hold you close, tonight and always

I love to wake up next to you...

Pinagmasdan ko lang siya habang pinakikinggan ang pag-uulit niya sa chorus. Talagang kahanga-hanga ang ganda ng boses niya, lalaking-lalaki. Hindi nakakasawang pakinggan, at ang gwapo naman niyang mukha ang hindi nakakasawang titigan. Minsan pa nga ay mapapatulala ka sa kaniya, saka lang matatauhan kapag nagyabang na naman siya.

A Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon