Chapter 30

17 7 0
                                    

Diane's Point Of View

"KISHA is about to stay in New York for good." Mayamaya'y ani bruhilda na ngayon ay kumakain na rin kasabay namin.

"Bakit hindi ka pa sumama?" Tanong ko sa kaniya.

Tinaasan niya ko ng kilay. "Why would I?"

"Ayaw kitang nakikita e." Diretsong sagot ko.

Sarkastiko siyang ngumisi. "Same here."

"Bakit ayaw mo pang umalis dito kung gano'n?"

"May kailangan pa ko kay Dextar." Umirap pa siya sa'kin.

Napabuntong hininga akong napailing at bumaling kay Dextar. "Ibigay mo na kasi yung kailangan niya para umalis na siya."

Natitigilan siyang tumingin sa'kin. "Baby... gusto niyang pirmahan ko 'yan para maging partner na BWine Corp at Santiago Corp. But I don't want to."

Napataas ang pareho kong kilay at lumingon pa kay bruhilda. Hindi maganda ang pagkakatingin niya sa'kin. Hindi ko naman 'yon pinansin at matapos mag-isip ay tumingin na ulit ako kay Dextar.

"Pirmahan mo." Giit ko.

"Baby?" Nagulat si Dextar.

Tumango ako sa kaniya at ngumiti. "Pirmahan mo. Para maging partner din tayo sa business balang araw."

Napakurap siya sa'kin. "What do you mean?"

"Babawiin ko nga sa kanila lahat diba? Kaya magiging akin ulit ang BWine Corp." Nakangising sabi ko kay Dextar.

Natawa si bruhilda, ng sarkastiko. "As if you can do it."

Lumingon ako sa kaniya. "I can..." Ginandahan ko ang ngiti ko. Nagsalubong naman ang kilay niya sa'kin. "But I'm just waiting for the right time."

Naiwan ang masamang tingin sa'kin ni bruhilda. Nginisian ko siya bago uminom ng iced tea, nakatingin pa rin sa kaniya. Bumakas naman lalo ang inis sa mukha niya.

Tumikhim si Dextar. "Give it to me Selena, pipirmahan ko na." Nawala bigla ang alinlangan ni Dextar.

Nabibiglang lumingon sa kaniya si bruhilda. Siya naman ngayon ang nag-aalinlangan. Bakas 'yon sa kaniyang mukha. Sumulyap pa siya sa'kin bago aligagang tumayo sa mula sa sofa. Nakita ko pa siyang napalunok, para siyang kinakabahan. Gusto kong matawa!

"I-i'm gonna talk to tito Edson first." Ngumiti siya kay Dextar, ng pilit. Kinuha niya ang folder at ang cellphone niya. "Excuse me."

Lihim akong napairap nang makalabas na ito ng silid. "Psh! Magsusumbong na naman." Mahinang sambit ko. Napatingin sa'kin si Dextar, seryoso.

"Are you sure baby? Gusto mo talagang pirmahan ko 'yon?" Tanong niya, bumakas ulit ang alinlangan sa mga mata niya.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. "Mm. Akong bahala sa'yo." Kumindat pa ko sa kaniya.

Namangha ako nang mapanood ang mabilis na pag-aliwalas ng mukha niya na tinatabunan kanina ng pag-aalinlangan. Mabilis siyang napangiti at inabot ang isang kamay ko upang halikan ang likod ng palad ko.

"I trust you baby." Malambing aniya.

Para naman akong kinilabutan. Hindi ko 'yon pinahalata sa kaniya kaya ngumiti na lang ulit ako sa kaniya. Pero sa loob-loob ko ay napanatag ako, dahil hindi siya nagdadalawang isip na ibigay ang tiwala niya sa'kin. Sa isip ko ay sinasabi kong hindi ko siya bibiguin. Kaya sana ay gano'n din siya sa'kin.

A Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon