Epilogue

81 10 0
                                    

Diane's Point Of View

"GOOD MORNING lola and lolo." Bati ng aming bunsong babae sa mga magulang ko na matagal ng nakahimlay.

Bagaman nagawa kong ipalipat ang kanilang bangkay sa magandang libingan kung saan ay nagmumukhang bahay lamang. Sementado ang mga pader, naka-tiles ang sahig, may glass window at glass door pa. Ito na lamang ang magagawa ko sa kanila.

"We brought flowers and foods for the both of you po." Dagdag pa ng bunso namin saka inilapag ang hawak niyang basket na punong-puno ng bulaklak sa harap ng puntod ng mga magulang ko.

"They couldn't hear you Dwayne." Puna naman ni Drillan kay Dwayne. Nakinig lang ako sa kanila habang nagsisindi ng kandila.

"They could kuya. I know they're watching and listening to us from heaven." Paliwanag ng matalinong si Dwayne.

Nakangiting lumapit ako sa magkakatabing anak namin. "Our baby girl's right. I'm sure they're guiding their grandchildren from up there." Ani ko saka ginulo ang buhok nilang tatlo. Naramdaman ko naman ang paglapit din sa'min ng asawa ko na si Dextar.

"How I wish I can hug them." Malungkot na sabi ni Dexiane. He's now a 9 years old kid, Drillan is 6 years old and our little Dwayne was turned 4 years old last month.

"Mee too. I miss them so much." Bahagya akong ngumiti at tinitigan ang pangalan nila mom at dad.

Inakbayan ako ni Dextar. "They're happy now dahil binisita ulit natin sila." Ngumiti siya sa'min bago kami inanyayang kumain. "Let's eat!"

Binuhat ni Dextar si Dwayne samantalang hinawakan ko naman ang tag-isang kamay ni Dexiane at Drillan at sabay-sabay kaming lumapit sa sementado ring mesa at naupo sa mga upuan na dinala namin.

Inihanda ko ang mga pagkain namin para sa almusal, maaga akong nagising para gawin at lutuin ang mga ito. Saktong magsisimula na kaming kumain nang dumating ang parents ni Dextar.

"Mamila--papilo!" Hiyaw ni Dwayne at masayang sinalubong ang mamila at papilo niya.

Nakangiting binuhat siya ni mommy Ailyn. "Oh! Ang tabaching-ching kong apo!"

"I'm not tabaching-ching mamila!" Nakasimangot na sigaw ni Dwayne at tila nagtatampo pang humalukipkip. Natawa kaming lahat sa kaniya.

"Dwayne, you don't need to shout. You really are a tabaching-ching." Nagsisimula na naman si Drillan sa pang-aasar sa bunsong kapatid niya.

"Kuya Drillan!" Naiinis na sigaw ni Dwayne sa kuya niya. Ngumisi lang naman si Drillan at kumagat ng egg sandwich. "Kuya Dexiane, niaaway ako ni kuya Drillan oh." Baling at sumbong ni Dwayne kay kuya Dexiane niya na tinuro pa si Drillan. Kunwari namang sinita ni Dexiane si Drillan.

Nakangiting lumapit sa'min si daddy Salvi matapos makipagbatian sa mga apo niya. "Your mom also prepared food for us." Inilapag nito sa mesa ang mga pagkain na dala nila.

"Sabayan niyo na kami dad--mom." Nakangiting anyaya ko at binigyan siya ng upuan.

"I'm hungry na po!" Sumingit si Dwayne sa pagkuha ng food sa mesa pero inabutan na siya ng plastic plate ni Drillan na may lamang egg sandwich at hotdog.

"Here." Inilapit pa ulit ni Drillan ang hawak sa kapatid na tila nagtatampo pa rin at hindi siya pinapansin. Nagkatinginan naman kami ni Dextar at nagngitian bago ulit pinanood ang magkapatid. "Galit ka ba sa'kin tabaching-ching?" Pagtatanong ni Drillan na mas kinapula ng mukha ni Dwayne sa inis.

A Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon