Diane's Point Of View
"JUST CALL me kapag susunduin na kita." Giit ni Dextar sa'kin nang maihatid niya ko sa Starbucks kung saan namin napagkasunduan ni Kisha na magkita. Tumango ako sa kaniya at akmang tatanggalin ko na ang seatbelt nang siya ang gumawa niyon para sa'kin.
"Thanks." Ngiti ko sa kaniya. Ngumiti rin siya sa'kin at hinalikan ako sa pisngi. Matapos niyon ay nauna siyang bumaba sa'kin para pagbuksan ako ng pinto at alalayang lumabas.
"Yung pinsan mo lang ang kakausapin mo ah? Wala ng iba okay?" Paalala na naman niya. Kanina pa siya sa totoo lang.
"Okay." Tumango na lang ulit ako.
"Kapag may lumapit sa'yong lalaki anong sasabihin mo?" Tanong niya ulit. Tinuruan niya pa ko kanina kung anong isasagot sa mga lalaking magtatangka na lumapit sa'kin.
"May boyfriend na ko." 'Yon mismo ang tinuro niya sa'kin. Natatawa na lang ako sa kaniya.
Ngumiti siya na para bang na-proud siya sa'kin. "Ang galing naman ng baby ko na 'yan." Ginulo niya pa ang buhok ko sa tutok ng ulo ko.
Tuluyan na kong natawa na napapailing. "Ewan sa'yo."
Niyakap niya ko at hinalikan ulit sa pisngi. "Sige na, pumasok ka na sa loob. Enjoy kayo ah?" Aniya nang humiwalay na sa'kin.
Tumango ulit ako. "Mm. Ingat ka sa pag-drive." Tinapik ko pa ang braso niya.
"I will." Nakangiting tugon niya. Napataas ang pareho kong kilay nang makitang hindi naman siya kumikilos para umalis na. "Aalis ako kapag naka-pasok ka na sa loob." Nahulaan niya ang tingin ko. Napatango-tango ako sa kaniya bago kumaway. Gano'n din ang ginawa niya. Naglakad na ko papakalapit sa entrance ng Star Bucks pero bago ako tuluyang pumasok ay nilingon ko pa siya.
Hindi nagbago ang postura niya. Maging ang ngiti niya sa labi ay hindi man lang nawawala. Mas lalo siyang nangiti nang makitang lumingon pa ko sa kaniya. Nagtaas ulit siya ng kamay at may iniusal na walang tinig pero nabasa ko sa buka ng bibig niya.
I love you...
Matamis akong napangiti para mailabas ang kiliting naramdaman ko sa puso ko. Nagtaas din ulit ako ng kamay para kumaway ulit sa kaniya. Saka kagat labi na pumasok ng tuluyan. Nang maka-recover ako ay hinanap na ng mga mata ko si Kisha, nag-text siya sa'kin na nandito na raw siya.
"Diane! Here!"
Mabilis kong nilingon ang nagmamay-ari ng tinig na 'yon. At hindi nga ako nagkamali nang makita ang pinsan ko. Agad akong lumapit sa kaniya, nasa gilid ng glass wall ang pwesto ng table na napili niya.
"Kisha." Ngiti ko sa kaniya. Sinalubong niya ko ng yakap, gumanti rin ako.
"Grabe, namiss kita. How are you?" Tanong niya nang humiwalay siya sa yakapan namin.
"I'm good. How about you?" Balik na tanong ko sa kaniya. Umupo muna kami bago niya ko nasagot.
"I'm sad at the same time happy."
"Bakit naman?" Alalang tanong ko.
Bumuntong hininga siyang nakangiti. "I'm sad dahil next week na ang lipad ko papunta sa New York. And I'm happy dahil nakita na ulit kita."
Napangiti rin ako. "I'm happy to see you again too. Nung huli nating pagkikita ay yung birthday mo pa, tapos gumawa pa ko ng eksena."
"'Wag mo ng isipin 'yon. I know naman na hindi ikaw ang nagsimula. And besides, matagal na 'yon. 'Wag na nating pag-usapan." Aniya.