Dextar's Point Of View
"DEXTAR." Napalingon ako sa asawa ko nang tawagin niya ko. Nasa harap siya ng whole body mirror at nakita ko mismo mula ro'n ang nakasimangot niyang mukha. Medyo may bump na rin ang tiyan niya.
Ngumiti ako at bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama. Katatapos lang namin mag-shower ng sabay at ngayon ay handa ng matulog. Ang anak namin na si Dexiane ay napatulog ko na sa katabing kwarto namin.
"Tignan mo. Ang taba ko na." Maktol niyang sabi nang makalapit ako sa likod niya. Ngumiti ako ay binihag siya mula sa likuran, saka ko pinagapang ang kamay ko sa dibdib niya at marahan 'yong sinakop.
"Yeah, they're getting bigger baby." Malambing kong tugon saka ipinatong ang mukha ko sa balikat niya. Mas lalong sumimangot ang mukha niya.
"Ang pangit ko na." Parang maiiyak niyang saad at tinitigan ang sarili sa salamin. Kinulong ko naman ang buong bewang niya at marahang isinayaw.
"Walang papantay sa ganda mo." Malambing pa rin ang boses ko habang nakatitig sa kaniya mula sa salamin.
"Bolero ka."
Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi. "I'm not. Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko sa salamin." Sinserong usal ko. "Let's go to our bed, you must be sleepy." Anyaya ko saka siya marahang binuhat at maingat na inihiga sa kama namin. Hinaplos ko ang buhok niya para patulugin siya na hindi naman naging mahirap dahil nakatulog agad siya.
Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nang ikasal kami ni Diane. At walang sandaling nakakasawa, palaging magaan at masaya. Kung dati rati ay sila mom at dad ang kasabay kong kumain, at madalas ay ako lang mag-isa noon. Ngayon ay sariling pamilya ko na mismo ang nakakakwentuhan ko sa hapagkainan, ang napakaganda at mapagmahal kong asawa at ang anak ko na nagmana sa'kin sa kagwapuhan.
At hindi na ko makapaghintay na madagdagan pa ang masayang ingay dito sa bahay, kapag nagkaroon na ng mga kapatid si Dexiane.
Kinabukasan ay maaga akong nagising upang gisingin ang anak ko na si Dexiane, ito ang unang araw ng pagkapasok niya sa eskwela bilang student sa isang prestigious pre-school. Nananabik akong asikasuhin ang anak ko para makita rin ang kaniyang hitsura suot ang uniform niya.
Bumangon na ako saka nilingon ang asawa ko. Napangiti ako at hinalikan siya sa pisngi, akmang tatayo na ko nang magmulat ang mga mata niya.
"Good morning baby." Malambing bati ko sa kaniya.
"Morning." Bahagya siyang ngumiti sa'kin.
"Gigisingin ko na si Dexiane, papasok na sa school ang anak natin." Ani ko.
"Oo nga. Ang bilis ng panahon." Usal niya saka umambang uupo kaya inalalayan ko siya. "Sasama ako sa'yo, maghahanda din ako ng almusal natin."
"Let our maids to do that. Baka mapagod ka lang." Giit ko. Ngumiti siya sa'kin at tumango.
"Sasama pa rin ako sa pag-asikaso at paghatid kay Dexiane. Ito ang unang araw niya sa school, at hindi ko 'yon papalagpasin." Giit niya rin. Ngumiti rin ako at tumango. Sabay kaming tumayo at nagtungo sa banyo upang maghilamos at magsepilyo. Nakaalalay ako sa kaniya hanggang sa makapasok kami sa kwarto ng anak namin.
Umupo si Diane sa kama sa tabi ng anak namin na mahimbing pa rin na natutulog. "Dexiane, baby. Time to wake up." Marahang hinaplos ng asawa ko ang pisngi ni Dexiane. Gumalaw si Dexiane at niyakap ang mommy niya.