Chapter 1

165 17 0
                                    

Diane's Point Of View

"DADDY? MOMMY?" Bahagya akong sumilip sa loob ng office room ni dad. Bahagyang nakasiwang ang pinto kaya nakita kong lumingon si Mommy Dane at Daddy Dylan sa'kin na may ngiti sa mga labi.

"Diane, anak, come here." Anyaya sa'kin ni mom. Tuluyan ko namang binuksan ang pinto at lumapit sa kanila.

Niyakap ko sila at hinalikan sa pisngi bago ako umupo sa harap ni mommy. Nasa harap naman namin si dad at tanging table niya lang ang espasyo namin.

"Kumusta ang pagkikita niyo ng mga kaibigan mo?" Nakangiting tanong sa'kin ni dad.

"Okay lang po, masaya. Lalo na kapag napipikon ko si Kyla." Bahagya pa kong natawa sa huli nang maalala ko ang ginawa namin ngayong araw ng mga kaibigan ko. Kumain lang naman kami pero sa tuwing kasama ko sila ay totoong masaya ako.

Natutuwa talaga akong makita at makasama sila palagi. Marahil ay dahil na rin sa nag-iisang anak lang ako ni mommy Dane at daddy Dylan. Hindi ko alam ang pakiramdam na merong kapatid kaya simula nang makilala ko at maging kaibigan ko sila ay sila na ang tinuring kong mga kapatid ko.

"I hope na bumisita ulit sila dito." Nakangiting ani mommy.

"Busy po sila sa studies ngayon. Malapit na sila mag-college kaya pinagbubutihan na nila. Pero sasabihan ko pa rin po sila."  Nakangiting tugon ko kay mommy.

Ngumiti rin siya sa'kin bago tumayo at tumingin kay dad. "Tutulungan ko ang mga maids natin sa paghahanda ng dinner. Maiwan ko na muna kayo dito." Paalam ni mom sa'min. Hinawakan pa niya ang parehong balikat namin ni dad bago siya lumabas ng silid.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng office room ni daddy. Napapalibutan ng mga estante ng alak at mga libro ang kabuuang silid. May isang pinto rin dito kung saan ginagawa ni dad ang mga alak na naiimbento niya. Nakapasok na ko do'n ng ilang beses, pero ipinagbabawal pa rin nilang uminom ako ng kahit anong klase ng alak kahit magdi-disnuebe na ko sa taon na ito.

"Look at this anak..."

Napatingin ako kay dad nang sabihin niya 'yon. Napako ang paningin ko sa wine glass na hawak ni dad na may lamang kulay red wine. Nakapatong 'yon sa mesa katabi ang bote ng alak. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang mabasa ko ang pangalan ko na nakaukit do'n.

Napaawang ang labi ko at wala sa sariling naituro ang bote ng alak. Hindi naman ako natinag sa pagtitig do'n sa kabila nang bahagyang pagtawa ni daddy sa reaksyon ko.

"A-ano pong ibig sabihin niyan dad? B-bakit pangalan ko y-yung--"

"I made this." Nakangiting sagot ni dad sa'kin."I named this wine after you." Nagugulat akong napatitig kay dad. Natawa ulit siya sa'kin. "Actually, matagal ko na itong ginawa. Pero dahil bata ka pa noon--ay ayokong ituro o ipaalam muna sa'yo ang trabaho ko. Pero ngayong magdi-disnuebe ka na, ay nalalapit na rin ang araw na ikaw ang magmamana ng Corporation natin."

"Ayokong pilitin ka kung hindi ito ang gusto mong gawin in the future. Pero gusto ko pa ring magbakasali at itanong sa'yo kung gusto mo bang ipagpatuloy ang business natin?" Dagdag na tanong ni dad sa'kin.

Napaisip naman ako. Humahanga ako kay dad sa dedikasyon niya pagdating sa business namin. Dahil bakas 'yon sa pagiging sikat, kilala at angat ng BWine Corporation namin dito sa buong pilipinas. Totoong gusto kong sumunod sa yapak niya, at gawin din ang ginagawa niya para manatiling angat ang negosyo namin.

A Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon