Selena's Point Of View
"BIRTHDAY NA ni Dextar next week, any plan?" I asked as I sit on one of the couch here in our living area. Nandito si mommy Marcel at tito Edson na umiinom ng tsaa habang nag-uusap, natigil lang sila nang makababa ako mula sa kwarto ko.
"Kami dapat ang nagtatanong sa'yo niyan Selena. Anong plano mo?" Balik na tanong sa'kin ni mommy.
"Hindi ako makaisip ng paraan kung paano sila maghihiwalay ni Diane." I secretly rolled my eyes.
"Matagal na palang may relasyon ang dalawa na 'yon. At hindi man lang kayo nakagawa ng paraan para hindi sila nagkatuluyan?" Tanong sa'min ni tito Edson. Nagtinginan lang kami ni mommy at hindi nakasagot. "Marcel? Ikaw ang nandito, bakit wala ka man lang ginawa?" Baling ni tito Edson kay mommy.
My mom sighed. "Sinubukan ko siyang pagbantaan, pero sadyang matapang ang babaeng 'yon. Hindi man lang natakot." Sabi ni mom na napailing pa. Nakukunsumi sa butuhin niyang pamangkin. "Kaya naisip kong kausapin ang bunsong kapatid ko, si Pia. Siya lang ang nakikita kong tao, lalo na si Kisha na makakapagkumbinsi diyan sa pamangkin mo. Pero kagaya nung una, tumanggi agad siyang makipagtulungan sa'tin." Dagdag pa ni mom. Nanahimik naman si tito Edson at humigop na lang ng tsaa. Pero halatang malalim ang iniisip niya. Nagkatinginan ulit kami ni mom at hinintay na lamang itong magsalita muli.
Tinignan ko ang aking mga kuko sa kamay, parang gusto kong palitan ng panibagong kulay ang mga ito. At dahil wala naman akong gagawin mamaya ay naisip kong magpa-manicure at pedicure na rin. Hindi naman ako papayag na 'yon lang ang gawin ko, kapag may oras pa ay magpapasalon din ako, at bibili ng maraming damit, bags at shoes.
Oh my gosh, they're my babies!
"Selena."
Natinag ako sa pag-iisip ng plano ko sa araw na ito nang tawagin ako ni tito. "Yes tito?"
Mataman niya kong tinignan. "Do you still love him?" Biglang tanong ni tito na siyang kinagulat ko.
Lumingon pa ko kay mommy bago tumugon kay tito, ng tanong din. "W-who?"
"Si Gerald Mercerer."
I sighed at hindi nahirapan sa isasagot. "Hindi ko naman siya minahal in the first place."
Napataas ang kilay ni tito. "Eh bakit nagawa mong ipagpalit si Dextar sa lalaking 'yon?"
"I was drunk that night. Akala ko siya si Dextar, kaya nagpadala ako." Nagkibit balikat pa ko. Pero totoo ang sinabi ko. "And dahil sa nangyari, pinanindigan ko na--dahil nawala na rin naman sa'kin si Dextar. Besides, nakatulong rin naman sa'kin si Gerald, lalo na nung nag-stay na ko sa Amerika." Dagdag ko pa.
"And the reason why the two of you broke up was?" Tanong ulit ni tito.
Halos mahilo ako dahil sa pag-irap. "He said to me that he's attracted to Diane. Psh!" Inis kong sabi.
Naiirita ako kapag bumabalik sa isipan ko ang huling pag-uusap namin ni Gerald, at 'yon din ang araw na nakipaghiwalay siya sa'kin. After ng nangyari doon sa resort nila Dextar ay nagbago na siya. At hindi ko masikmura ang katotohanang dahil 'yon kay Diane. He told me directly that he likes Diane, and to be honest, hindi naman ako nasaktan. Mas tama siguro ang salitang inis, at parang nainsulto na rin dahil parang pinamukha nito sa'kin na mas maganda si Diane kaysa sa'kin.