Chapter 54

23 8 0
                                    

Dextar's Point Of View

KASALUKUYAN akong nakatanaw sa magandang tanawin ng Aurora. Nakaupo ako sa likod ng pick-up truck habang tumutungga ng alak na nasa lata. Pabuntong hininga akong lumingon sa tabi ko, at inalala ang panahon nung dinala ko siya sa lugar na 'to.

Malinaw na malinaw pa sa'kin ang ang reaksyon ng mukha niya na namamangha sa tanawin ng Aurora. Ang sinag ng araw na tumatama sa balat niya ay mas nagpapakinang sa kutis niya, at ang labi niyang bahagyang nakaawang. Ang mga mata niyang nakapikit, pero nang muling dumilat ay nakatuon na ang paningin niya sa'kin. 

Malungkot akong ngumiti kasabay ng pagtulo ng luha ko na hindi ko na namalayan. Napasandal ako at pumikit, ang mukha niya lang ang tanging nasa isip ko.

Baby...

Napahilamos ako ng mukha at hinayaan ang sariling umiyak dahil sa labis-labis na pangungulila sa kaniya. Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nang umalis siya sa bansa kasama ang mga kaibigan niya at tatlong buwan na rin ang lumipas na hindi ko siya nasisilayan.

Pero wala akong sinayang na oras para hanapin ang dalawang lalaking nagtutok ng baril sa kaniya, at ngayon ay kasalukuyan ng umaandar ang kaso laban sa kanila kasama ang ina at step-dad ni Kyla.

Alam kong anumang araw, makukulong na sila kaya ngayon ay nananabik ako dahil pwedeng-pwede na ulit bumalik sila Diane dito. Ibig sabihin lang niyon ay makikita ko na ulit siya, magagawa ko na ulit sumubok na kausapin at suyuin siya. Dahil gusto ko ng maayos kami at bumalik na kami sa dati.

Kinabukasan ay dumiretso ako sa apartment nila Diane na pagmamay-ari na ngayon ni Klyn. Pagpasok ko ay nando'n na si Aiverson habang may hawak na tatlong brown envelope. Kinabahan ako at the same time ay na-excite. Alam ko kasing may kinalaman 'yon kila Diane na nasa New York ngayon. Siya at si Ethan pa lang ang nakakapunta ro'n, dahil nung isang beses na balakin ko, pinigilan agad ako ni Aiverson.

"Where's Klyn?" Tanong ko kay Aiverson habang papalapit ako sa kaniya.

"He's on the way here."

"What's that?" Hindi na ko nakatiis na itanong ang hawak niya. 

"None of your business." Walang gana niyang tugon.

Napabuntong hininga na lang ako at sinalubong ang aso nila Klyn na pababa na ng hagdan habang tumatahol. "Hey, Klyzer!" Tumalon siya sa'kin! Muntikan pa kong matumba pero makabalanse rin agad at hinaplos siya ng hinaplos. "You're big na huh?" Tumahol ulit siya at dinilaan ako. Napangiti ako at niyakap siya. Naamoy ko ang bango niya, talagang alagang-alaga siya ni Klyn.

Buhat ko si Klyzer nang lumapit ulit kay Aiverson. "Broas, kailan ka ulit pupunta sa NY?"

Bored niya kong tinignan. "Why?"

"G-gusto ko sanang sumama." Pagbabakasakali ko.

"What for?"

"I want to see her."

Sasagot pa sana si Aiverson nang pumasok na si Klyn sa apartment. Kumawalag si Klyzer sa'kin para salubungin ang amo niya. Nang magtanong si Klyn sa'min ay sinabi agad ni Aiverson kung bakit siya narito kaya kumahog na lumapit si Klyn para kunin ang brown envelope na naglalaman ng litrato ni Kyla.

Napalunok ako at nagbakasakali ulit. Tatlo ang hawak ni Aiverson, at hinihiling ko na sana ang isa sa laman niyon ay litrato naman ni Diane.

"Wala ka bang nakuha na litrato kay Diane, Broas?"

Sinamaan ako ng tingin ni Aiverson pero natuwa ako nang iabot niya sa'kin ang isa. Malawak akong napangiti at mabilis na binuksan ang brown envelope. Pero nawala agad ang ngiti ko at gano'n na lang ang pagkakasalubong ng kilay ko habang tinitignan ang mga litrato.

A Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon