Diane's Point Of View
"WOW..." Sabay na namangha si Kyla at Angel nang makababa kami sa van at tumambad sa'min ang kabuuan ng resort.
"Welcome to our Santiago's Vacation Resort." Pagwe-welcome ni Dextar sa'min sa resort nila.
Ngumiti kami at muling inilibot ang paningin sa lugar. Hindi pa man namin makita ang nasa loob ay sigurado na ang lawak nito. Natinag kami nang may lumapit sa'min na nanggaling sa loob ng resort.
"Good morning po Mr. Santiago." Bahagyang tumungo ang tatlo kay Dextar. Nginitian naman sila nito. Bumaling ang tatlo sa'min. "Good morning din po mga sir at ma'm. Iga-guide po namin kayo papunta sa tutuluyan niyo." Nakangiting ani ng babae, naka-uniform silang tatlo kaya nahulaan agad namin na mga empleyado sila dito.
"Yieee! Excited na ko!" Hiyaw ni Kyla na kumapit pa sa braso ni Klyn at Angelo.
Napatingala naman si Kyline sa kaniya at niyakap ito sa bewang. "Me too po!"
Napabitaw si Kyla sa dalawa at hinawakan ang kamay ni Kyline. "Yieee! Halika na!"
Silang dalawa ang nasa likod ng tatlong naglalakad sa harap namin. Hindi naman matigil ang mga mata namin sa paglilibot. Nang madaanan namin kung nasaan ang malawak na swimming pool ay agad kaming natukso na maligo na roon. Dalawa ang swimming pool nila. Pahaba ang isa samantalang pabilog naman ang isa pa.
May mga gazebo pa sa paligid. At hindi nakaligtas sa paningin ko ang basketball court sa 'di kalayuan. Hindi siya covered kaya kita agad namin ang disenyo. Kulay dark green ang pintura ng sahig niyon, na may mga line na kulay puti.
"Let's play basketball later." Lingon ni Angelo kay Tristhan nang mamataan rin ang court.
"Sige ba!" Payag naman ni Tristhan.
"Do you still have a gym here?" Tanong ni Aiverson kay Dextar.
"Yeah. Before mag-roof top ata 'yon I guess." Tugon naman ni Dextar.
"Sino-sino pa nga pala ang magkakasama sa bawat room?" Tanong ni Macky.
"Sama-sama tayong girls sa isang room." Si Angel.
"Ay, ayos na ko sa boys tyeh." Itinanggi pa ni Macky ang kamay.
Nilingon naman agad siya ni Kyla. "Sa'min ka. 'Wag kang desisyon!"
"I want to swim already!" Hiyaw ni Kyline nang hindi maalis ang tingin sa malawak na pool.
"We have swimming pool in our mansion Kyline, but you don't often swim there."
"Because It's kinda boring, I am only the one who swim there. Ate Kyla is not there too, you're not always bring her in our mansion kuya. You always want to be with her alone!" Reklamo ni Kyline sa kuya. Naglapat lang ang labi ni Klyn para magpigil ng ngiti.
Hindi na namin nalamayan na nakarating na kami sa floor kung nasaan ang mga room para sa'min. Masiyado kaming nalibang at namamangha sa paligid. Idagdag mo pa ang excitement namin. Kaya rin hindi ko na napuna pa ang kamay ni Dextar na kanina pa nakayapos sa bewang ko.
Nasa loob na kami ng room namin, at nasa tapat lang ng kwartong ito ang kila Dextar. Pero pumasok rin sila sa room namin dahil kinakausap at pinaaalahan pa ng dalawang lalaki ang dalawang kaibigan ko.
"Are you hungry baby? Kain na muna tayo." Nakangiting tanong at anyaya sa'kin ni Dextar. Natigil ako saglit sa pag-aayos ng gamit.
Umiling ako. "Gusto ko na rin maligo sa pool." Inilabas ko ang isusuot ko sa pagligo ko.