Chapter 2

59 14 0
                                    

Diane's Point Of View

"DIANE, UMUWI NA TAYO. Gabi na." Anyaya ni Kyla sa'kin. Hindi naman ako natinag sa pagtitig sa lapida nila mommy at daddy. Napaiyak ulit ako dahil hindi ko pa rin matanggap na wala na talaga sila.

Hindi matanggap ng sistema ko ang mga nangyari. Matapos sabihin sa'kin ni Kisha na nag-crushed ang eroplanong sinasakyan nila mommy at daddy ay halos gumuho ang mundo ko. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil iniwan agad nila ako dito sa mundo.

"Nandito lang kami sa tabi mo Diane, hinding-hindi kami mawawala sa tabi mo--kahit na anong mangyari." Pagpapagaan ng loob ni Angel sa'kin. Napahagulgol ako at napayakap sa kanila ni Kyla.

"H-hindi ko alam kung paano pa ko magpapatuloy sa buhay. Hindi ko pa kayang mag-isa, kailangan ko sila! N-nangako sila sa'kin na tutulungan pa nila ako, p-pero bakit nawala agad sila? Pa'no na ko? A-ano ng gagawin ko?" Humihikbi kong sabi. "M-marami pa kong pangarap para sa kanila. Kailangan ko p-pang bumawi sa kanila pero pa'no na? Wala na sila! Iniwan na n-nila ako!" Humiwalay ako sa kanila at pinunasan ang pisngi ko. Pero agad na nag-unahan ulit ang mga luha ko sa pagtulo.

"P-pa'no na ko? Mag-isa na lang ako? Saan ako pupulutin nito gayong ang mga kamag-anak namin ay nag-aagawan na sa mga kayamanang iniwan nila mommy at daddy! Hindi ako makapaniwalang matapos ang lahat ay 'yon pa rin ang gusto nila! Matapos mawala nila mom at dad ay 'yon pa rin ang pinagkakainteresan nila! Napakawalang kwentang tao nila!" Sigaw ko pa sa huli. Inilalabas lahat ng hinanakit ko. "Napakasama nila! Hinding-hindi ko sila mapapatawad!"

Hindi ko alam kung paano ako lalaban dahil lahat ng naninira sa buhay namin ay nakapalibot na sa'kin. Matagal ko na alam ang nangyayari sa pagitan ng mga magulang ko at mga kamag-anak nila. Nakita, narinig, at naramdaman ko na ang galit nila sa mga magulang ko na hindi ko alam kung saan nagmumula. Pero hindi ko magawang mag-alala at matakot noon dahil pinoprotektahan ako ng mga magulang ko pati na rin ang mga pinaghirapan nila na gusto nilang angkinin.

Sa kabila ng pagtulong ng magulang ko sa kanila, sa kabila ng mabubuting ginawa nila mommy at daddy sa kanila ay hindi ako makapaniwalang kayang-kaya nilang gawin at sikmurain ang pagiging makasarili at pagiging sakim nila.

Nananatiling tahimik ang dalawang kaibigan ko at nakikinig lang sa mga sinasabi ko. Hanggang sa mahismasan ako ay tumayo na ko. Umalalay agad sila sa'kin.

"Ihahatid ko na kayo pauwi." Pagod na giit ko sa kanila. Gulat naman silang napatingin sa'kin.

"P-pero--"

"Baka hinahanap na kayo sa inyo. Ayos naman na ko." Putol ko sa sasabihin ni Kyla.

"Okay lang naman sa'min kung sasamahan ka namin, alam kong hindi ka pa rin okay--"

"Ayos na nga ako. Inaantok lang ako kaya matapos ko kayong ihatid ay uuwi na rin ako para matulog. Hindi niyo na kailangang mag-alala sa'kin." Putol ko rin kay Angel.

"Natural na sa'min ang mag-alala. Lalo pa't alam namin ang nararamdaman at hirap na nararanasan mo dahil sa sitwasyon mo." Ani Kyla. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang magkabilang braso ko. "Kung pakiramdam mo ay mag-isa ka na lang, isipin mo kaming dalawa ni Angel. Dahil kahit iwan at gaguhin ka pa ng mundo, ay mananatili pa rin kami sa tabi mo. Palagi mo 'yang tatandaan." Sinserong dagdag pa ni Kyla habang nakatingin sa mga mata ko. Naluha ulit ako kaya nayakap ko silang dalawa ni Angel.

A Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon