Chapter 34

18 8 0
                                    

Diane's Point Of View

LUMIPAS ANG apat na buwan na naging tahimik ang buhay namin pare-pareho. Wala kaming inintindi kundi ang mga love life namin bukod sa trabaho syempre. Balanseng natapos ang bawat araw, walang sagutan, walang away, at walang gulo. Masaya lang, at walang iniintindi na delubyo... sa ngayon.

Kakauwi lang namin ng mga kaibigan ko galing sa trabaho. Nagpaalam sa'mim yung tatlong lalaking magkakaibigan na magwo-work out daw sila at magha-hang out na rin. Hindi naman namin 'yon pinagkait sa kanila.

"Wala pa si Tristhan?" Tanong ni Kyla nang makapasok kami sa apartment at buksan niya ang ilaw. Hindi namin nakita ang kapatid niya.

"Siguro." Sagot ko naman at tinanggal ang bag ko sa balikat ko at lumapit sa sofa para ibaba 'yon do'n.

"Anong gusto niyong lutuin ko?" Tanong ni Angel sa'min kaya napatingin kami sa kaniya.

Marahan akong umiling sa kaniya. "Magpa-deliver na lang tayo. Alam naming pagod ka."

Ngumiti siya. "Hindi, ayos lang. Hindi ako kailanman mapapagod magluto, lalo na kung para sa inyo."

Napangiti rin kami ni Kyla aa kaniya. "Ang sweet naman." Niyakap pa siya ni Kyla. "Gusto ko ng chicken curry hehe." Request pa nito.

"Gusto ko rin!" Nakangiting anas ni Angel. "Magbibihis lang ako." Nasundan namin ng tingin si Angel nang umakyat na ito aa hagdan. Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Kyla kaya sa kaniya naman ako napatingin.

Naupo rin siya sa isa pang single sofa at saka sinalubong ang tingin ko. "May napapansin ka ba kay Angel?"

Nagtaka agad ako. "Bakit?"

Ngumiwi si Kyla sa'kin, hindi ko inaasahan. "Nagtanong ako tapos tanong rin sinagot mo. Awit lang." Yamot niyang sabi sa'kin.

Napailing ako at sumandal lalo sa sofa. "Wala akong maalala na nakausap ka namin ng matino." 

Napailag siya. "Ako pa daw ah?" Sarkastikong aniya. "Basta--may napapansin ako sa kaniya. Nag-aalala na nga ako e. Baka hindi lang siya nagsasabi sa'tin." Sumeryoso na si Kyla.

Tinitigan ko siya at inisip ang mga kilos ni Angel nitong mga nakaraang araw. "Ano bang napapansin mo? Parang wala naman akong naoobserbahan sa kaniyang kakaiba."

"Ako--meron."

"Ano nga?!"

"Saka ko na sasabihin sa'yo kapag sigurado na ko."

"Psh!" Umiwas ako ng tingin sa kaniya, ilang saglit pa ang lumipas bago ako tumayo. "Ako na magsa-saing. Magbihis ka na sa taas." Giit ko kay Kyla.

Tumango siya sa'kin at tumayo na rin. "Opo mama." Sagot naman niya. Nginiwian ko na lang siya at sinundan din ng tingin nang umakyat na rin siya sa hagdan.

Pumasok na ko sa kusina para maghugas ng bigas. Matatapos na ko nang pumasok din si Angel sa kusina.

"Ako na diyan Diane." Agad siyang lumapit sa'kin.

Nakangiti akong lumingon sa kaniya. "Kaya ko na 'to." Ani ko. Nagpunas ako ng kamay at sinaksak ang rice cooker. Si Angel naman ay lumapit na sa ref, nang bubuksan niya na ito ay napadaing siya at napahawak sa leeg. "Ayos ka lang?" Agad kong tanong sa kaniya.

A Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon