Diane's Point Of View
"PASOK PO KAYO mga ma'm--sir." Magalang na anyaya sa'min ng isang maid nila Kyla dito sa bahay nila. Pumasok naman kami ni Angel kasama si Tristhan na buhat si Dexiane. "Nasa kwarto po si ma'm Kyla. Nagbabantay sa baby niya." Ani ng maid nang makarating kami sa living room.
Nakangiting tumango ako sa maid kaya nagpaalam na ito sa'min. Hindi na ito ang unang beses na bumisita kami kaya alam na namin kung saang kwarto ang sinasabi nung maid.
Simula nang manganak si Kyla ay nakumbinsi na rin siya sa wakas ni Klyn na kumuha ng maid nila, bagaman dalawa lang ito pero atleast may katulong na sila. Lalo pa't nakatutok talaga ang atensyon niya ngayon sa baby niya, kaya pinag-leave muna siya ng asawa niya ilang buwan sa trabaho.
"Baby Klyrix!" Hiyaw ni Dexiane nang makapasok kami sa kwarto nila Kyla. Nagkumahog pa siya sa pagbaba sa pagkakabuhat sa kaniya ng tito Tristhan niya.
"Lower your voice baby, baka natutulog siya." Mahinahon kong sita kay Dexiane nang makitang nakahiga ito sa Baby Rocking Bassinet. Nakadungaw kanina si Kyla ro'n pero nang pumasok kami ay nakangiting nilingon niya kami.
"Okay lang, kagigising niya lang din." Ani Kyla kaya nilapag na ni Tristhan si Dexiane at hinayaang lumapit kay Klyrix.
"Kumusta pagiging mommy mo?" Nakangising tanong ni Tristhan sa ate niya bago lumapit at yumakap rito. Hinalikan niya pa ang ate niya sa pisngi.
"Masaya." Nakangiting sagot ni Kyla saka pinisil ang pisngi ng kapatid.
Kahit may sariling pamilya na si Kyla ay hindi pa rin nagbabago ang trato niya sa kapatid niya. Para ngang mas naging maalam si Kyla sa mga nangyayari kay Tristhan simula nang umalis siya sa bahay namin.
"Edi sundan niyo na--aray!" Mas pinisil naman ni Kyla ang pisngi ng kapatid dahil sa sinabi nito. Nang lumapit naman si Tristhan sa dalawang bata ay lumapit na si Kyla sa'min.
"May kailangang i-kwento sa'tin si Diane." Giit ni Angel nang magkaharap-harap kaming tatlo nila Kyla. Nag-aalalang tumingin sa'kin si Kyla bago tumango at nilingon saglit si Tristhan na nakabantay sa dalawang bata.
"Magpapahanda muna ako ng pagkain, doon tayo sa sala." Sabi ni Kyla saka kami inakbayan ni Angel at nagtungo sa sala.
Matapos niyang magbilin sa maid nila ay nagsimula na kong mag-kwento tungkol sa pinagtapat sa'kin ni Xian. Nung mismong araw na din na 'yon ay bumalik na rin siya sa New York, talagang 'yon lang ang pinunta niya rito. Matapos kong mag-kwento, gaya ng inaasahan ay nagulat at hindi makapaniwala ang mga kaibigan ko.
"Seryoso?"
"Hala, 'di nga?"
"Mm." Tipid kong sagot.
"Nasaktan ka?" Inoobserbahan ako mi Kyla.
"Hindi." Pagpapakatotoo ko.
"Halata nga." Nakangiwing tugon naman niya.
"Alam naman kasi naming si Dextar pa rin ang mahal mo." Sabi naman ni Angel na pinaburan ni Kyla.
"True."
Sila talaga ang unang nakahalata pero nirerespeto at iniintindi nila palagi ang desisyon ko at sinusuportahan lang ang mga ginagawa ko. Naghihintay lang na ako mismo ang matauhan at saka doon lang sila magsasalita at magbibigay ng opinyon nila. Hindi nila ako hinuhusgahan, bagkus ay kinukumpirma nila kung ano talaga ang totoong nararamdaman ko.