Chapter 46

24 6 0
                                    

Diane's Point Of View

NAKATITIG LANG ako sa kisame habang nakahiga para sana matulog na pero hindi ko magawang pumikit ng matagal dahil kahit ayoko ay paulit-ulit na pumapaskil sa isipan ko ang nakita at napanood ko kanina.

Yung litrato nila nung mukhang bibe ay mapapalagpas ko pa. Dahil wala akong kompirmasyon kung totoong natuloy ang balak nung mukhang bibe na 'yon, pero yung kay Selena? Idagdag na rin yung pagpunta namin sa hotel room kanina ay hindi ko na mapapalagpas. Ang lahat ng nakita ko kanina ay sampal na sa'kin para maging mulat ako sa nangyari sa kanila.

Napatingin ako kay Angel nang bahagya siyang gumalaw pero mahimbing pa rin ang tulog, gano'n din si Kyla sa tabi ko na niyakap pa ko. Tumabi ulit siya sa'kin dahil alam niyang hindi ako okay.

Pumikit ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. Hanggang sa sandaling 'to ay hindi ko maisip kung ano bang pumasok sa utak ni Dextar para gawin 'to sa'kin. Wala akong mahagilap na maaari niyang maging dahilan para lokohin niya ko. Binigay ko naman lahat sa kaniya, ginagawa din naman namin 'yon kapag gusto niya. Bakit kailangan niya pa kong lokohin para lang do'n?

Sobra akong nadidismaya kay Dextar. Binigo niya ko. Akala ko hindi lang 'yon ang importante sa kaniya, pero dahil sa ginawa niya ay pinatunayan niya sa'king mas mahalaga sa kaniya ang pangangailangan ng pesteng pagkalalaki na 'yan. Napakawalang kwenta! Mas masahol pa siya sa masahol! Sangago siya!

Tahimik akong umiyak kahit gustong-gusto ko ng sumigaw sa galit. Pinigilan kong gumawa ng tunog na magiging dahilan para magising ang mga katabi ko. Nagpunas ako ng luha gamit ang damit ko saka inabot ang cellphone at earphone ko. Gusto kong makinig ng music, baka sakaling makatulong para dalawin ako ng antok.

Mabilis kong sinilent ang phone ko nang i-on ko ulit ito at sunod-sunod na naman ang tunog nito. Galing pa rin kay sangago ang mga missed calls and texts pero hindi ko na 'yon pinansin at nakinig na lang ng music. Hindi naman ako nabigo dahil nang pumikit ako ay hindi ko na namalayang nakatulog na ko.

Kinabukasan ay nagising ako dahil din sa music na naririnig mo mula sa earphone na suot ko pa rin. Tinanggal ko na 'yon sa tainga ko at pinatay na ang music. Ilalapag ko na sana ang cellphone ko nang may dumating na text message. Hindi ko sinasadyang mapindot 'yon.

From: Sangago

I'm here outside of your apartment baby, please talk to me.

Imbes magreply sa kaniya ay minura ko siya gamit ang isip ko pero nainis ako sa sarili ko dahil umagang-umaga ay naluluha na naman ako. Kahit galit na galit ako kay Dextar ay sobra din akong nasasaktan. Hindi ko maipaliwanag yung sakit na nararamdaman ko sa puso ko.

Ang sarap magmahal...

Padabog kong binaba ang cellphone ko at bumangon na. Pinunasan ko pa ang pisngi kong nadaanan na naman ng mga luha. Lalamya-lamya akong lumakad patungo sa banyo at ginawa ang morning routine ko. Matapos niyon ay bumaba na ko dahil nakakagutom palang magdrama. Baka magreklamo na si baby sa loob ng tiyan ko.

"Good morning!" Masiglang bati ni Angel sa'kin.

Nagpilit ako ng ngiti. "Good morning." Bati ko saka naupo sa tabi ni Kyla.

"Kain ka na." Inilapit ni Kyla ang isang mangkok na may lamang oatmeal na pinuno ng iba't ibang prutas na sliced sa ibabaw. "Masusuntansya daw dapat ang kinakain mo, para pareho kayong maging malusog ni baby." Sabi niya nang makitang nakatingin ako sa pagkain na laman ng mangkok.

Napatingin naman ako kay Angel nang maglapag siya ng isang basong gatas sa tabi ng mangkok na nasa harap ko. Nagpasalamat ako at nagsimula nang kumain kasabay nila.

A Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon