Dextar's Point Of View
S-SIMULA NGAYON ay ayoko ng makita ka. I-ikaw na ang pinaka-kinamumuhian kong lalaki sa buong m-mundo. H-hindi ko na gugustuhin makita ka ulit... kahit sa panaginip ko.
Nagpapaulit-ulit sa isipan ko ang mga salitang 'yon na iniwan sa'kin ni Diane bago sila makaalis. Napatulala ako sa kung saan habang nangingilid ang mga luha sa mata ko. Naging sariwa sa isip ko ang araw kung saan ako mismo ang nagsabi ng gano'n kay Selena noon, nung nahuli ko sila ni Gerald na naglalampungan sa kwarto.
Hindi ako makapaniwalang matatanggap ko ang mga salitang minsan ko na rin binitawan, at ang mas masakit pa nito ay sa taong mahal ko 'yon nakuha.
Gulong-gulo ako. Napakabilis ng pangyayari para sa'kin. Hindi pa ata tuluyan nagigising ang diwa ko nang bigla na lang pumasok sila Kyla, Angel at Diane dito. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag gayong simula't sapol ay wala akong matandaan.
"What the fuck have you done Dextar?!" Asik ni Aiverson sa'kin. Natinag ako sa lakas ng boses niya. "How does it feel huh? Anong pakiramdam ng ginago mo si Diane sa paraan kung paano ka rin ginago ni Selena noon?"
Umawang ang labi ko at nabigla sa paratang niya. Hindi pa man ako nakaka-recover nang sinigawan din siya ni Selena.
"Shut up!"
"No! Shut. Up!" Sigaw din ni Aiverson kay Selena na dinuro pa ito. Galit na hinarap ulit ako ni Aiverson. "What now Dextar? What are you feeling? Are you happy? Feel satisfied? Huh? C'mon, speak jerk!"
Umiling ako ng umiling. Hindi pa rin malinawan. "Hindi ikaw ang gusto kong kausapin ngayon Broas! Manahimik ka!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong patahimikin siya. Wala akong maintindihan!
Napasinghal si Aiverson. "Do you think magagawa ka pang harapin at kausapin ni Diane?"
Lumambot ang ekspresyon ko, nasabunutan ang sarili at napapikit ng mariin. "Kailangan niya akong harapin. Kailangan niyang makipag-usap sa'kin. Kailangan niyang marinig ang paliwanag ko. Ayokong mawala siya sa'kin!" Nawawala sa sariling sabi ko.
Isa lang ang malinaw sa'kin ngayon, iniisip nilang niloko ko si Diane. Hindi ko naman magawang ipagtanggol at idepensa ang sarili ko dahil wala akong kaalam-alam sa nangyari. Pero sino nga bang hunghang ang hindi makakaisip na walang nangyari sa'min ni Selena? Gayong kaming dalawa lang ang nasa kwarto at pareho pa kaming may tapis lang ang hubad barong katawan.
Tumingin ako kay Selena at wala sa sariling sinugod siya. "Sabihin mong walang nangyari sa'tin kagabi Selena! Sabihin mo!" Napadiin ang hawak ko sa balikat niya at isang beses siyang inuga.
"D-dextar, nasasaktan ako!" Inalis niya ang kamay ko sa kaniya at saka niya ko tinaliman ng tingin. "We had sex last night, and now you want me to deny it?" Pagdidiinin niya sa mga salitang nauna.
Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya. "Wala akong matandaan!"
Ngumisi si Selena sa'kin. "Do you want to remember? I have a video here--" Bago niya pa makalikot ang cellphone niya ay kinuha ko na 'yon at inihagis sa pader, dahilan para masira ito. "What the fugde?!" Napasigaw siya at nanlulumong tinignan ang cellphone niyang wasak na.
"You've frame-up me Selena!" Dinuro ko siya.
Napasinghap siya ng hangin, hindi rin makapaniwalang tumingin sa'kin. "Wow! Just wow Dextar! You owned me last night like there's no tomorrow then you're accusing me that I've frame-up you? You're unbelievable!"