Chapter 59

23 8 0
                                    

Dextar's Point Of View

"THANK YOU little boy." Pasalamat ni Father na sandaling ipinatong ang kamay nito sa ulo ng bata. Nang matapos ay hinalikan pa ni Kyla yung bata saka niya hinayaan si Kisha na buhatin ulit ito.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang alisin ang tingin ko do'n sa bata. Ni hindi ko nagawang intindihin ang pagpapalitan ng singsing nila Kyla at Klyn. Natinag lang ako nang ibigay ni Kisha ang bata kay Diane.

Nakita kong tumingin si Diane sa'kin pero nang makitang nakatitig ako sa kanila nung bata ay mabilis siyang umiwas at humarap kay Xian. Pilit kong tinututok ang paningin at atensyon sa kinakasal, pero hindi ko mapigil ang sarili kong lingunin sila Diane kaya nahuhuli ko rin siyang palingon-lingon sa'kin. Buhat-buhat niya pa rin yung bata na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa'kin ang pagkakakilanlan nito.

"By the power of your love and commitment, and the power vested in me, I now pronounce you husband and wife! Go forth and live each day to the fullest. You may seal this declaration with a kiss."

Napatingin ulit ako sa harap nang ianunsyo na ni Father ang pagiging mag-asawa nila Klyn at Kyla. Napahiyaw at nagpalakpakan kami nang romantikong naghalikan ang bagong kasal.

"Let's take a picture na! Guys, come here!" Anyaya ni Kyline nang kuhanan na ng litrato kasama sila Klyn at Kyla. Hinintay ko namang lumapit sila Diane bago ako sumunod.

Naunang kinuhanan ng litrato ang kinasal kasama ang bawat pamilya nito. Sumunod ay kasama na kami, pero dahil malayo ang pwesto ni Diane ay tinanaw ko lang siya, hindi na niya buhat ang bata kanina. Pero nairita ako nang makitang katabi niya si Xian.

Kaibigan ba 'yan? Tsh!

Naka-ilang kuha pa ng litrato kasama ang ibang bisita bago kami nila Aiverson, Angel, Diane, ako, at sila Klyn at Kyla ang natira para kumuha ng litrato naming magkakaibigan. Tinago ko ang ngiti sa labi ko nang tumabi ako kay Diane at inakbayan siya. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang mabilis niyang paglingon sa'kin pero ngumiti lang ako sa camera nang mag-flash na ito.

Nahagip ng paningin ko ang tingin sa'min nung ungas na si Xian. Masama ang tingin niya sa'kin na nginisian ko lang. Nahalata ata ni Diane ang palitan namin ng tingin ni Xian kaya bahagya siyang pumiglas sa akbay ko.

"D-dex--"

"Relax. Wala tayong ginagawang masama, nagpi-picture lang tayo." Bulong ko sa kaniya na talagang inilapit ko pa mukha ko sa pisngi niya. Pinakatitigan ko siya ng gano'n kalapit kaya napansin kong naiilang siya at hindi ako nililingon sa takot na baka magtagpo ang mga labi namin.

Nang matapos ay pinanood namin ang bagong kasal na lumabas ng simbahan. Ngayon ay oras na para magtungo naman sa reception. Akmang makikipagsabayan ako sa paglabas ng mga tao nang may biglang humawak sa pulsuhan ko at hinatak ako papunta sa kung saan.

Huminto kami sa gilid ng simbahan kung saan wala ng taong makikita. Kalaunan ay humarap na sa'kin ang taong nagdala sa'kin dito. Pinigilan kong ngumiti nang makita ko nang malapitan ang magandang mukha ni Diane, bagaman mukhang galit na naman siya.

"Bakit kailangang gawin mo 'yon?" Sindak na tanong niya. Ako naman ay hindi na napigilang mapangiti nang magbaba ako sa pulsuhan kong hawak pa rin niya.

"Ang alin?" Nakangiting nag-angat ulit ako nang tingin sa kaniya. Nakita ko kung paano numipis ang labi niya sa inis.

Padabog niyang binitawan ang pulsuhan ko. "Ang panghaharot mo sa'kin sa harap ni Xian."

A Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon