Chapter 41

22 6 0
                                    

Diane's Point of View

KINABUKASAN matapos ang anniversary celebration namin ni Dextar ay bumalik na kami sa trabaho. Pareho kaming naging busy ni Dextar dahil natambakan kami ng trabaho, tuloy ay sa telepono lang kami nakakapag-usap sa tuwing may libre kaming oras. Hindi pa 'yon nagtatagal, talagang kinakamusta lang namin ang isa't isa, at kung kumain na ba kami. At lumipas ang ilang araw na gano'n lang ang nagagawa namin.

"Baby, gusto na talaga kitang makita." Parang batang atungal ni Dextar mula sa telepono.

Lunch break namin ngayon, at sa ganitong pagkakataon na lang kami nakakapag-usap. Nagpapadala pa din naman siya ng lunch, kaya dito lang kami ni Angel kumakain sa cubicle namin. Ilang buwan na rin ang nakalipas na hindi na dito nagta-trabaho si Kyla. Kaya ako na ang pumalit sa kaniya bilang secretary ni Macky. Nakakapanibago dahil hindi kami sanay na hindi kasama si Kyla sa trabaho. Naninibago kaming lahat, hindi lang kami ni Angel dahil wala ng bibo at makulit dito, siya kasi talaga ang dahilan kung bakit hindi namin nararamdaman ang pagod noon.

Kung dati rati ay excited kaming pumasok dahil sabay-sabay kaming magta-trabaho, ngayon ay mas nananabik na kaming umuwi. Dahil sa apartment na lang namin siya nakakasama. Parang hindi namin kayang makatagal na wala siya, gano'n ang epekto niya sa'min ni Angel.

"Ako din naman." Tugon ko sa Dextar. Tinignan ko pa si Angel na tahimik lang na kumakain, hindi niya talaga ugali magsalita kapag kumakain siya, gustong-gusto niyang ninanamnam ang bawat subo niya ng pagkain.

"Pupunta ako sa apartment niyo mamaya."

"Hindi na. Magpahinga ka na lang, alam kong pagod ka."

"But baby--"

"Gawin mo ang sinabi ko. Nabanggit mo sa'kin na may meeting kayo ni don Edson at bruhilda bukas diba?"

"Tsk! Oo ng pala." Bakas ang pagkabugnot na sabi niya. "Pero gusto pa rin kita makita. Kahit ilang minuto lang." Pamimilit pa ni Dextar.

"Mag-video call na lang tayo--"

"Gusto ko ng personal." Giit niya pa. Napabuntong hininga naman ako. "Namimiss na kitang hawakan, mayakap, maamoy at mahalikan."

"Dextar--"

"Ilang araw na rin akong hindi nakakatulog ng mahimbing, parating ikaw ang iniisip ko--kahit nasa trabaho at meeting ako. Sobra na kong nangungulila sa'yo baby, kailangan na kitang makita. Nanghihina na ko, at ikaw lang ang makakapagbigay ng lakas sa'kin mahal ko." Mahabang aniya.

Daming alam...

Napailing na lang ako at pumayag na sa gusto niya. "Oo na, sige na--"

"I love you so much baby!" Agarang anas niya sa tuwa.

"--pero ako na lang pupunta sa bahay niyo mamaya." Pagpapatuloy ko.

"Pero paniguradong pagod ka din mamay--"

"Pero alam ko ring mas pagod ka kaysa sa'kin."

"Baby, It's fine with me. Mawawala naman na ang pagod ko once makita na kita ulit."

"'Wag ka ng makulit. Ako na pupunta sa bahay niyo mamaya, uuwi rin ako kapag nakatulog ka na." Giit ko.

Pumalag agad siya. "What? Baby naman--"

"Alam kong kulang ang tulog mo, at hindi ka rin nakakapagpahinga ng maayos. Ngayon tuloy ay nagsisisi na kong sinabi ko pa sa'yong pirmahan mo ang business partnership with BWine Corp, edi sana hindi ka masiyadong nagiging busy." Ani ko.

A Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon