Chapter 19

22 5 0
                                    

Dextar's Point Of View

"BRO, 'WAG MO gawing tubig 'yan." Puna ko kay Klyn nang dire-diretso niyang inubos ang natitirang laman ng bote ng alak.

"You know what Klyn? Kapag nalaman ni Kyla 'tong ginagawa mo, baka lalong hindi ka niya kausapin--"

Bahagya kong siniko si Aiverson. Imbes palakasin niya ang loob ni Klyn, pinabababa niya pa. "'Wag kang makinig diyan kay Aiverson. Pero bro, hindi gusto ni Kyla na makita kang ganito. Ilang araw ka na bang nagpapakalasing? Tsh."

"I miss her so much Dextar. H-hindi ko na yata kakayanin kung magtatagal pa 'to. Gustong-gusto ko na siyang mahawakan. Damn it!"

Patay na patay talaga, takte!

"Bakit naman kasi hindi mo sinabi sa kaniya ang totoo? Naunahan ka pa tuloy ni Alysa. Edi sana kung nanggaling sa'yo, nakapagpaliwanag ka kaagad. Baka sakaling naintindihan ka pa niya." Sabi ko sa kaniya at uminom din ng alak. Shet, parang ngayon na lang ulit ako naka-inom ng alak...

Totoo 'yon. Kahit nga ang pumunta ulit sa bar ay hindi ko na nagawa sa mga nakalipas na buwan. Kahit yung mga panahong hindi ako nagpapakita kay Diane, o sabihin na natin nang simulang makilala ko si Diane. Hindi ko na rin nalamayan, mas ginugusto ko na kasi palagi ang makasama siya kaysa pumunta sa mga lugar na nakasanayan ko ng puntahan noon.

"I really have no plan Dextar, because it was not important to me."

"But Kyla needs to know, it was part of your past. And you can't change that." Ani Aiverson.

"That's it Broas. It was just part of my past, it doesn't matter on the present."

"Pero gustong marinig ni Kyla ang paliwanag mo. Hindi man 'yon mahalaga para sa'yo pero dahil mahalaga ka kay Kyla ay nasaktan siya sa nalaman niya." Singit ko.

"I know, I know!" Uminom na naman siya. Nang maubos niya ang pang-tatlo niyang bote ay nagbukas na naman siya ng isa. "Alam kong nasaktan siya, kaya nasasaktan din ako. Doble pa. Kaya kahit miss na miss ko na siya, hinihintay ko na lang yung sinabi niya. Pupuntahan niya ako kapag ready na siyang makinig sa'kin. At 'yon ang pinanghahawakan ko. Sana lang ay hindi niya ako iwan, 'yon ang hindi ko kakayanin."

Tsk, tsk! Hindi na 'to si Klyn!

"Hindi ka iiwan ni Kyla." Tinapik ko ang balikat niya. "Galing ako sa apartment nila. Hinintay ko silang umuwi galing sa birthday party. At nung tumawag ka sa'kin, nakatingin siya sa'kin--"

Napatingin siya sa'kin. "What the fuck did you say?" Matalim ang mata niyang tanong.

Inosente ko siyang tinignan. "Nakatingin siya sa'kin--"

"Why?" Inis niyang tanong. Nangunot pa ang noo ko ng ilang sandali bago napangisi.

Nagseselos siya! Grabe na talaga kagwapuhan mo Dextar! Wuhooo!

Bumuntong hininga ako. "'Malungkot siyang nakatingin sa'kin. Narinig niya kasi yung sinabi kong umiinom ka na naman."

Natigilan si Klyn at napatingin sa boteng hawak niya. Tumikhim siya bago tumayo at kumuha ng tubig. Itinabi na lang niya ang bote ng alak at hindi na ulit tumungga do'n. Lihim akong napangiti. Nagiging masunurin siya dahil kay Kyla.

A Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon