Chapter 16

24 5 0
                                    

Diane's Point Of View

NATAPOS ANG araw na 'yon na nagpapaikot-ikot lang sa isip ko ang sinabi ni Dextar sa'kin. Nagkulitan at tawanan pa kami pero hindi maitatago sa'kin ni Dextar ang nananatiling lungkot sa mata niya. Kahit nakangiti siya sa'kin ay nakikita at nararamdaman ko 'yon.

Nakapikit kong kinuha ang cellphone ko nang tumunog ito. Pero sa oras unang dumapo ang paningin ko nang dumilat ako. Alas-sais trenta pa lang ng umaga.

From: Sangago

I want to eat breakfast with you baby, I'm on my way there.

Tuluyang dumilat ang mata ko sa panlalaki nito dahil sa nabasa kong mensahe ni Dextar. Kunot noo akong nagtipa ng reply sa kaniya.

To: Sangago

Masiyado pang maaga para manggambala ka Dextar.

Padabog kong binaba ang cellphone sa tabi ko bago tumagilid sa paghiga para sana matulog ulit. Pero wala pang sampung segundo ay tumunog na ulit ang cellphone ko. Indikasyon na may tumatawag.

Inis akong dumilat at naupo sa kama. Tinignan ko si Angel na kasalo ko sa higaan pati na rin ang magkapatid sa tabi ng kama. Malalim at mahimbing pa ang tulog nila. Ayoko namang istoborhin sila kaya maingat akong umalis sa kama at lumabas ng kwarto.

Namatay na ang tunog ng cellphone ko nang makalabas sa kwarto. Magte-text pa lang sana ako kay Dextar nang may dumating na panibagong mensahe mula sa kaniya.

From: Sangago

I'm already outside in your apartment. Face me baby...

Napabuntong hininga na lang ako bago bumalik sa kwarto para suotin ang slippers ko. Nagkamot pa ko ng ulo bago bumaba. Pinagbuksan ko siya ng gate, at nakitang nasa tapat mismo nang gate namin ang kotse niya. Nakatayo at nakasandal ang mokong sa pinto ng kotse niya habang nakahalukipkip at magkakrus ang mga paa.

Nangunot ang noo ko nang makitang naka-coat at slacks na siya. Nakaligo na at maayos na ang buhok. Animong handang-handa ng pumasok sa trabaho. Nangangalingasaw pa ang pabango niya at fresh na fresh ang mukha na para bang maaga at masarap ang tulog niya kagabi.

"Papasok ka na ba sa trabaho? Ang aga pa ah?" Tanong ko sa kaniya.

Bahagya siyang natawa. Pero imbes sagutin ako ay umalis siya sa kaniyang posisyon para lumapit sa'kin upang yakapin at halikan ako sa pisngi.

"Good morning to us baby..." Malambing niyang usal bago ulit ako niyakap.

Nanlaki ang mata ko, hindi lang dahil sa ginawa niya kundi dahil napagtanto kong hindi pa ako nakakapaghilamos, sepilyo at nakapang-tulog pa rin ako. Ni hindi ko sinilip ang mukha ko sa salamin, at hindi naayos ang magulo kong buhok dahil kababangon ko lang mula sa pagkakatulog.

Napatakip ako ng bibig at hindi gano'ng kalakasang tinulak siya. Bahagya rin akong umatras at inaayos ang buhok ko.

"'W-wag ka munang lalapit. A-amoy unan pa ko." Giit ko sa kaniya. Nakatakip pa rin ang isang kamay sa bibig at naka-amba ang isa sa kaniya upang pigilan siyang lumapit.

Bahagya ulit siyang natawa bago hinawakan ang kamay kong naka-amba sa kaniya upang marahang hilahin 'yon para mapalapit sa kaniya. Niyakap niya ulit ako at ipinuwesto ang mukha sa gilid ng leeg ko para amuyin at singhutin ito. Nanigas naman ako.

Nakangiti siyang hinarap ang mukha ko. "Hindi naman ah. Ang bango mo nga e." Hindi na niya ako hinintay na makasagot. Sinubsob niya muli ang mukha sa gilid ng leeg ko upang ipagpatuloy ang pag-amoy rito.

A Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon