Chapter 52

22 7 0
                                    

Diane's Point Of View

NAGPAALAM saglit si Angel na kukuha ng tubig. Saktong paglabas niya ay ang pagtunog naman ng cellphone ko. Kinuha at tinignan ko 'yon, number lang ang nakalagay.

Kunot noo ko 'yong tinitigan, hindi 'yon galing sa pinas kaya alam kong nasa New York rin ang tumatawag sa'kin. Bigla ulit pumasok sa isip ko ang sinabi ni Macky, dahilan para mapraning akong baka si Dextar 'to.

Alam niya ang exact address namin, kaya hindi imposibleng nakakuha rin siya ng information about sa'min, kahit ang number ko. At dahil nakarehistro ang numder sa bansang 'to, naisip kong baka nandito na rin siya sa New York.

Napapikit ako ng mariin at naglakas loob na sagutin ang tawag. "Hello? Who's this?" Kahit kinakabahan ay pinanatili kong kalmado ang boses ko.

"Xian Lester."

Nagsalubong ulit ang kilay ko pero kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. "Why?"

"Nothing. I just want to say hi to you."

"I already said hello to you so goodbye."

"Not too fast." Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "I want to talk to you."

Bumuntong hininga ako. "What do you want?"

"You."

"Could you please--"

"Could you please don't hang up the phone? You're voice is so relaxing. I want to hear you more." Putol niya sa'kin. Sasagot na sana ako nang bumukas ang pinto at pumasok ulit si Angel na may hawak na baso na may lamang tubig.

Nakita ni Angel na may kausap ako sa telepono kaya hinawakan na muna niya ang baso at naupo ulit sa tabi ko.

"Xian, listen to me." Sabi ko kay Xian habang nakatingin kay Angel na nakatingin na rin sa'kin.

"I am."

"I'm pregnant." Walang dalawang isip na pag-amin ko. Nakita ko namang nanlaki ang mata ni Angel.

"And I'm the father? Great! That's a good news for me." Tuwa at hindi nagtunog sarkastiko ang sinabi ni Xian.

"I'm not joking." Seryosong sabi ko.

"So am I." Tugon naman niya bago ko narinig ang matunog niyang pagngiti. "I'm happy to hear that. I'm excited to have a family with you."

"I'm serious here!" Biglang anas ko. Para kasing hindi sineseryoso ng lalaking 'to ang sinasabi ko. Nakita ko namang bahagyang nagulat si Angel sa pagtaas ng boses ko. "Other man got me pregnant, I'm 4 months pregnant now but I have no plan to say this to him because he's a jerk." Pagpapatuloy ko pa, si Xian pa rin ang kausap. Natahimik naman ang linya niya kaya nagsalita ulit ako.

"Now, tell me... do you still want me?" Tanong ko sa kaniya.

"Yeah... and nothing can change that."

Nasapo ko ang noo ko. Si Angel naman ay pakurap-kurap lang na pinagmamasdan ako. "You're out of your mind."

"I know."

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kung saan. "Look, you have all the rights to stop this shit. There are lots of girls out there, who's more better than me. You look so rich, handsome, kind, and gentleman. Therefore, we're not compatible to each other. You don't deserve me."

A Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon