Chapter 21

131 9 0
                                    

Jiro's POV

Pag kadating kung school hindi muna ako pumasok, Hindi pa man umabot ng 1 min ang pag antay ko ng pag lingon ko kadadating lang kotse sakto namang bumaba si Dara kasabay ng pag baba niya bumaba din sang mama at papa niya.

"Kanina ka pa ba iho?" tanong ng papa niya. "Hindi po kadadating ko lang din po." sagot ko kay tito.

"so, pano, ikaw na bahala kay Dara." sabi naman ni Tita. "Opo tita, ako na po bahala." Hindi naman din nag tagal umalis na sila tita at tito.

"Anong ginagawa mo?" nag tatakang tanong ni Dara saken. "Inaantay ka." tugon ko. "Baka may makakita satin. Hindi ka nag iingat." sabi naman ni Dara.

"Hayaan mo na hindi naman tayo papahalata e." sabi ko naman. "Ewan ko sayo. Pag tayo nahuli. Ewan ko nalang." pumasok naman kami sa campus.

"So, pano, dito na ako dadaan. May practice kami ngayon." paalam ko kay Dara. "Sege dito din ang daan ko sa kabila. Sa library muna ako. " paalam ni Dara sabay alis.

Palakad na din sana ako ng mahagip naman ng mata ko si Charm naka upo sa may bench at mag isa lang. Mukhang malalim ata iniisip at dahil malapit na mag simula yung Practice namin basketball, nag tuloy tuloy na ako sa pag lakad.

"Mukha atang malalim iniisip mo Jiro." sabi ni Dylan. "Ah, hindi naman." sabi ko nalang. Pinalabas kami ni coach, dahil maaga pa naman sa labas kami.

Nakita ko si Charm don sa bench kasama mga kaibigan niya. Hindi nalang ako nag isip nang kong ano pa man at nag focus sa ginagawa ko.

Matapos ang training saktong papunta na kaming room ng biglang naka recieve ako ng text galing kay mommy.

"Tapos na daw Practice niyo. Andito ako sa labas ng campus, pumunta ka dito. mabilis lang." Text saken ni mommy. Nag tungo naman ako agad doon.

"Jiro!" tawag saken ni mommy. "Bakit mom?" salubong ko sa kanya. "Nakalimutan kong ipadala to. Niluto ko yan. Pag saluhan niyo ni Dara. Hindi na ako mag tatagal may meeting pa ako. Pumasok kana malapit na mag time." diridiritso niyang sabi.

Wala naman akong nagawa ng pumasok din agad siya sa kotse at umalis. Pano ko ba ipapaliwanag to kay Dara. Tumungo naman agad ako sa room namin. Malapit ng mag simula ang klase kaya hindi ko na naka usap si Dara.

"Jiro, kanina ka pa namin napapansin. Bat ang layo ng tingin mo?" tanong naman ni Zayn. "Hindi naman." sabi ko nalang.

"Umayos ka Jiro, Gumagaya kana kay Zayn hindi nag sasabi." singit ni Dale. "Gagi, dadamay mo pa ako." sabi naman ni Zayn.

"Tumigil na kayo pag kayo nahuli ni miss. wag niyo ako idadamay ha." sabi ko. hindi naman ulit sila nangulit. Hindi ko namalayan na lunch na pala.

Nag si' ready naman silang bumaba na. Habang ako nakaupo pa. Mabilis ko namang ni text si Dara ng "Hindi tayo sasabay sa kanila mag lunch. May binigay si mom na lunch natin. Gawa ka paraan para hindi maka sama sa kanila." Pasimple namang tumingin saken si Dara na nag tataka.

"Guys, hindi na ata ako makakasama mag lunch, busog pa ako." sabi ni Dara. "Nakapag tataka namang tatanggihan mo ang pag kain Dara. Haha" natatawang sabi ni Charm.

"Madami akong nakain kanina. Tsaka tatapusin ko na din yung assignment, Hindi ko din kasi nagawa kagabi." palusot niya pa. "Mas nakakataka yan. Imposible namang nakalimutan at natamad kang gumawa." sabi naman ni Tiff.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now