Khen's POV
"Alam mo ba ang ginagawa mo Princess?" sabi nong kausap ni Seth. Nakatalikod siya samin. "Bakit? naniwala ka na naman agad? haha." sarkastikong tawa ni Seth.
"Seth tama na." sabi naman ng nanay niya.
"Ganito ba? ganito ba yung pag papalaki sayo ng tinuturing mong nanay?" sabi niya pa."Buti nga siya pinalaki ako. ikaw ba?" balik na tanong niya. "Sumasagot kana ngayon?" inis na sabi ng babae. "Nag tatanong ka eh." relax niyang sabi. Nagawa niya pang mamilosopo sa sitwasyon na yun.
Ano niya ba yan. Pupuntahan sana ni Zayn si Seth ng hawakan siya ni Dylan.
"Hindi na ikaw ang Princess na kilala namin." sabi ng babae. "Sana pala talaga hindi kana bumalik dito, gulo lang pala ang dala mo." sabi pa ng babae.
"Sana nga. Kung may choice lang ako hindi ako babalik dito at hindi ako bumalik dito para sainyo. Bumalik ako dito para kay Lolo at Lola" sabi niya.
"Sa tingin niyo ba babalik ako sa bahay na yun kung alam kong andon kayo? haha." sabi pa ni Seth. napatahimik naman yung babae.
Hindi na napigilan pa ni Zayn. Diridiritso siyang pumunta doon.
"Tama na Princess." sabi ni Zayn. Ano bang ginagawa niya. Mag sasalita pa sana yung babae kaso di natuloy. May lumabas na lalake. Bakit ba nakatalikod sila samin?
"Princess." sabay naman niyakap nong lalake si Seth. Yung mata niya biglang tumamlay. Parang siyang maiiyak nalang bigla. Inalis naman niya agad yung pag kakayakap sa kanya nong lalake.
Hindi ko alam kung bakit nasaktan ako ng makita ko siyang ganon.
"Tara na nay." biglang sabi niya sa nanay niya. Nakita niya kami at nilampasan lang kami. Ngayon ko lang nakita yung mata niyang ganon. Yung sobrang lungkot.
"Tara na." mahina kung sabi. Bigla akong nanghina. ano bang nangyayari saken. Paalis palang kami ng may tumawag naman saken.
Si mommy. Pinauna ko na sila pumuntang room. Ayaw ko man pero sumama ako papuntang parking lot.
"Bakit ho?" panimula ko pag kadating na pag kadating namin doon. "Ano yung gulong yun? sumama kalang doon sa babaeng yun nag kaganyan kana." sabi ni Mommy.
"Wala siyang kasalanan. Hindi ko naman po kayo pinapunta dito." sabi ko. "so, sana pala hindi nalang kami pumunta dito." sabi ni Mom.
"Ganon na nga ho." sabi ko. "Anong ugali yan Khen?" tanong ni Mom. "Bakit nag kakaganyan ka." tanong ni Dad.
"Diyan, diyan sa pinapakita niyo. Sa lahat ng pwede niyong attend'dan, palaging present kayo sa gulong meron kami. Nakakasawa na ho. Imbis na ipag tanggol niyo ako, nag papaniwala agad kayo haha. bakit? Ano ho bang kasalanan ko sainyo?" sabi ko. Napatahimik naman sila.
"Pwede na ho ako umalis?" sabi ko. Hindi ko na inantay pa mag salita. Nag lakad na ako, hindi ako nag diri-diritsong umalis. Tumigil ako ng naramdaman kong umalis naman agad sila.
Nag pakalma muna ako don ng ilang mins. Paalis na sana ako kaya lang nakita ko si Seth.
"Bakit po kayo pumunta pa dito?" sabi ni Seth sa nanay niya. "Akala ko ho ngayon na ang alis niyo?" dagdag pa ni Seth. "Kahit man lang sa pag alis ko may magawa ako para sayo." sabi ng nanay niya.
"Mag iingat ka dito ha. Hindi ko man alam ang nangyari doon sa gulo, ang alam ko lang hindi mo magagawa ang ganong bagay." sabi ng nanay niya.
Ang swerte ni Seth may ganyan siyang nanay. Pag kaalis ng nanay niya. Paalis na din sana ako ng maramdaman kong may naapakan ako.
YOU ARE READING
INTO YOU (COMPLETED)
Novela JuvenilI'm comforting someone who's in pain while i'm in pain too.