Chapter 56

99 9 0
                                        

Khen POV

"Hanggang isang araw dahil sa kagustuhan naming bumalik siya sa dati, sinabi namin sa kanyang ibabalik na siya sa manila, lahat ng gamit niya niready namin sa maleta. Doon siya unti unti umayos at naisipang bumalik sa pag pasok. Kaso huli na malapit ng matapos yung 4 quarter. Dahil matalino siya nag take siya ng exam, na perfect niya lahat yun kaya napasama siya sa grumaduate ng grade 6. Ni hindi alam ng Mom at Dad niya yun. Kahit sino sa kanila walang alam ng nangyari kay Seth." mahabang kwento ng Lola niya.

"Sabi sainyo, matalino si Seth eh. Siya yung top 1 mula grade 7hanggang grade 11 sa school na pinapasukan namin. Kahit hindi siya makinig lahat naman nasasagutan niya, ewan ko lang kung bakit biglang ayaw na niya mag aral pag punta lipat niya dito" kwento ni Ley habang pinupunasan niya luha niya.

Totoo pala yun.

"Nag papasalamat kami kay Ley na pinag tiyagaan niya ang matigas na ulo ng aming Princess. Parehas silang hindi nakatapos ng grade 5 at mag eend na yung grade 6 ng maisipan nilang mag aral ulit. Parehas naman sila matalino kaya grumaduate sila." dagdag pa ng Lola niya.

Yun pala yung sinabi ni Ley na ilang buwan hindi lumabas ng bahay si Seth at totoo ngang matalino si Seth.

"7 years ago, November 22, naaksidente yung bunso nilang kapated. Kaya never nag celebrate yan ng birthday si Princess at si Prince. Huling kasama ng bunso nilang kapated si Princess, kaya sinisi niya yung sarili niya sa pag kamatay ng nakababata nilang kapated." kwento naman ng Lolo niya.

Yun pala yung dahilan.

"Sobrang proud ako sa kanya. 11 lang siya non, sa kabila ng lahat, lumaban siya. Mas nasasaktan kami nong ilang beses niyang pinilit mag pakamatay." tuluyan ng umiyak yung lola niya. Yung Mom at Dad niya patuloy pa din sa pag iyak.

Pag tingin ko kay Seth umiiyak siya pati na din si Zayn. Ang dami kong nakitang nag sisipunasan ng luha.

Kahit ako tumulo na din yung luha ko sa mga naririnig ko. Ang sakit lang marinig yung mga yun. Sobrang nasasaktan ako para kay Seth, akala ko mas masakit yung naranasan ko, wala na palang mas sasakit pa sa mga naranasan ni Seth sa murang edad. Gusto kong lumapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit.

"Nag antay ako ng araw na yun. Umaasa at nag antay akong sabihin niyo hindi ko kasalanan yun." sabi ni Seth na patuloy pa din sa pag tulo yung luha niya.

"Bumalik ako ng bahay galing hideout, narinig ko kayo ni Dad nag uusap. Sabi mo Mom, sinadya kong mangyari yun at pinilit ilabas siya para mang yari yun." dagdag pa ni Seth.

"Sa tingin niyo ho ba magagawa ko yun?? Anak niyo din ako, kayo lang din ba nawalan? nawalan din ako, lahat na wala sa akin." sabi niya pa.

"Sa bibig mo mismo yun nanggaling na gusto mo ng mawala si Shin. Susunduin kana sana namin doon kaso narinig namin yung sinabi mo." sabi ni Tita. "Bakit hindi niyo pinakinggan hanggang dulo?" sigaw ni Seth habang umiiyak.

"Oo nong una, hindi ko matanggap na pangalawa nalang ako sainyo. Dahil mas gusto niyo na si Shin. Ginusto ko siyang mawala, pero ano?? nakita ko nalang yung sarili kong inaalagaan siya. Mas inaalagaan ko pa siya kesa sa sarili ko, lahat ng ginagawa kong may kinalaman sa kanya ingat na ingat ako, kasi ayoko siyang masaktan. Lahat ng gusto niya binibigay ko. Kahit kayo alam niyong pinangarap ko din mag karoon ng kapated na babae." sunod sunod na sabi ni Seth. Mas lalo siyang umiiyak.

"Alam niyo ba kung bakit kami lumabas ng bahay?? Nong araw na yun nag away kayo ni Dad. Narinig ni Shin yun. Diba nga bawal umalis ng bahay pag hindi nag papaalam sainyo. Nag maka awa siyang habulin namin kayo. Kasi alam naman natin lahat na ayaw ni Shin nag aaway away. Kung alam ko lang na lalabas siya mag isa, sana binalewala ko nalang yung rules niyo. Nahabol ko nga siya pero huli na." pag kwekwento niya pa.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now