Chapter 36

106 10 0
                                    

Seth POV

Sabay kaming pumasok ni Sean."Ang daming nag tatanong saken kung mag kaano ano ba daw tayo." sabi ni Sean. Habang nag lalakad kami. "Pwede kong sabihin na mag kapated tayo?" tanong niya.

"Hindi." maikling sabi ko sa kanya. "Bakit?" tanong niya. "Basta. Makinig ka nalang saken." sabi ko pa sa kanya. Baka kasi mapahamak siya, katulad ng kay Khen na ginawang pain para mapapunta lang ako.

"Sege na. Wag mong sabihin kung anong meron satin, kung ano tayo. Mag panggap nalang tayong parehas ng dati. ok?" sabi ni ko pa sa kanya ng hindi siya kumibo. "Ok." parang napilitan naman siya don sumang ayon.

"May time naman para malaman nila eh. Sa ngayon wag muna nating ipaalam." sabi ko sa kanya. "Sege na pumasok kana." paalam ko sa kanya.

"Aray!"

Napatingin ako sa likuran ko. Si Khen na naka yoko. Ano bang akala niya puno yung nabanggaan niya. Psh.

Napa angat naman yung tingin niya. "Anong ginagawa mo? Bakit tumigil ka?" inis na sabi niya saken. "Baka kasi may kausap ako?" pilosopong sabi ko sa kanya. Kita niya naman may kausap ako.

"Paaralan to hindi para sa mga nag da' date." sabi niya. Ano bang pinag sasabi niya. "Ano bang pinag sasabi mo?" takang tanong ko. "Ano nga ba?" sabi niya sabay umalis. Ano bang problema non. Psh.

"Sabay tayong kakain mamaya?" tanong ni Sean. "Hindi." sabi ko sa kanya. "Bakit na naman?" sabi niya. "Pero sabay tayong uuwi." sabi ko sa kanya. Umaliwalas naman yung mukha niya nong sinabi ko yun.

Pag kaalis ni Sean nag tuloy tuloy na din ako papuntang room namin. Unang una ko pa nakita ang pag mumukha ni Khen na nakasimangot pag kapasok na pag kapasok ko ng room.

"Anong nangyari dyan?" tanong ko kay Dara. "Ewan nga e." sabi niya. Lumapit naman si Charm samin ng marinig pinag uusapan namin. "Sabi niya may nakasalubong daw siyang sumira sa araw niya." sabi ni Charm.

"Ikaw ah, bakit mo naman natanong?" singit ni Ley. "Bawal na ba mag tanong?" sabi ko sa kanya. "Naninibago lang." sabi niya.

"Bakit hindi ba ako nag tatanong ng nga ganyan dati?" tanong ko sa kanya. "Nag tatanong naman pero bakit?  may pake kaba? haha. Ikaw ah." sabi niya pa. Psh.

"Tatabi ka o patatahimikin ko yang bunganga mo?" sabi ko sa kanya. "Para namang nag bibiro eh. Ano ba naman yan kaaga aga, ang iinit ng ulo niyo. Na stress kagandahan ko." sabi niya.

Ako ba yun? tanong ko sa sarili ko. Sinira ko ba araw niya? tch. Bahala nga sa buhay niya. Nng dumating yung teacher nag paalam si Khen na masama daw pakiramdam niya at doon muna siya sa clinic. Masama pala pakiramdam tapos idadamay pa ako. Psh.

"Wala bang balak bumalik si Khen." bulong ni Zayn kina Dylan. Kadadating lang kasi ng teacher na para sa last na subject. Wala kasing recess ngayong araw kaya tuloy tuloy yung klase. Pake ko naman doon.

Natapos nga ang pang umagang klase ng hindi pumasok si Khen. Dami niyang kaartehan eh. Tinawagan naman ni Zayn si Khen. Bababa nalang daw siya. Nag antay kami sa kanya sa bench.

Ang sama naman ng tingin niya saken. Ano bang ginawa ko sa kanya. psh. Kumakain kami ng Ice cream ng mag salita siya.

"Hindi kaba nakokonsensya?" biglang lumabas sa bibig niya. Nakatingin siya saken ng sinabi niya yun. Nag taka naman silang tumingin kay Khen. Hindi naman niya kami pinag salita pa. Umalis na naman agad siya.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now