Chapter 45

108 9 0
                                    

Khen POV

"Kailangan ko ng umuwi." paalam ni Seth. "Umuwi kana din." dagdag niya pa. Aalis na sana siya ng tawagin ko siya.

"Seth, sandale." sabi ko. "Bakit? Mag papahatid ka?" tanong niya. Mukha bang hindi ko kaya sarili ko. tch.
"Hindi ah." sabi ko. "e ano?" tanong niya pa. Hindi ko alam kung pano sisimulan. Nag aalangan ako kung sasabihin ko ba o hindi.

"P-pwede b-ba kitang l-l-ligawan?" uutal utal na sabi ko. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. May part 2 ba yung pag reject niya saken?

"Ano bang pinag sasabi mo? umuwi kana." sabi niya. "Sabi mo nga diba, sundin kung saan/anong makapag papasaya. Ito na yun Seth." sabi ko pa.

Nang hindi siya makakibo, nilapitan ko siya. Hinawakan ko yung dalawang kamay niya. Kahit may posibilidad na pwede niya na naman akong sipain o ano pa man pero hindi siya nakagalaw.

"Hayaan mo lang akong ipadama yung nararamdam ko Seth. Ngayon ko lang to naramdaman, ayokong pigilan." sabi ko pa. Hindi pa din siya nakakagalaw.

"Pwede ba kitang ligawan Seth?" tanong ko pa.

"Umuwi kana la----." pinutol ko sasabihin niya. "Kahit ayaw mo man o gusto, liligawan pa rin kita at wala kang magagawa doon." sabi ko.

"Yun naman pala, bat nag tatanong kapa? psh." tugon ni Seth sabay inalis yung pag kakahawak ko sa dalawang kamay niya. "So, gusto mo din?" tanong ko. "Hindi." mabilis na tugon niya.

"Ok lang, itutuloy ko pa din." masayang sabi ko. Narinig ko lang tugon niya yung Psh na yan. "Ayaw mo bang ihatid kita?" sabi ko naman. "Mukha ba akong katulad mo?" sabi niya.

"Tch. sege na umuwi kana. Ingat magiging tayo pa." sabi ko. "Tigilan mo nga yang mga ganyanan mo, nakakadire eh." sabi niya. Tch. Mag sasalita pa sana ako ng may tumawag kay Seth.

"Princess!!"
"Ate!"
Napalingon ako sa pinang galingan ng boses na yun. Si Sean at Zayn. Sinalubong nila kami. Ate?

"Ate naman bakit di ka nag papaalam kung saan ka pupunta?" sabi ni Sean. "Buti nalang dumating si Kuya Zayn." dagdag niya pa. "Oh, bro." bati sakin ni Zayn. "Yo." sabi naman saken ni Sean.

"Ate?" naguguluhang tanong ko. "Kapated mo si Seth?" tanong ko. Tumango naman si Sean. Bakit diko naiisip yun?

"Hindi na kami mag tatagal." sabi ni Zayn saken. "Pauwi na nga din sana kami." sabi ko naman. "So, pano mauna na kami." sabi ni Zayn. Tinanguan nalang ako ni Seth. At nag lakad na sila patungo sa kotse.

Buti pa si Zayn. Kahit alam kung masasaktan lang naman ako sa huli, okay lang yun sa huli pa naman.
Malayo palang ako tanaw ko ng may nag aantay sa gate namin. Habang papalapit nakikilala ko yun. Si Mom at Dad.

Jazz POV

"Khen saan kaba nag punta??" salubong ni Mom kay Kuya. Hindi sila pinansin ni Kuya nag tuloy tuloy lang siya papasok. Nakasunod naman si Mom at Dad. "Saan ka galing?" salubong ko sa kanya. "Sa park nag pahangin." tugon niya.

"Para namang hindi niyo kami nakikita." sabi ni Mom. "Bakit? sinanay niyo kami sa ganito, sanay na kaming wala kayo dito." sabi ko na kinahina naman ni Mom.

"Sabi ko naman sayo hindi mo pa kaya." alalang sabi ni Dad kay Mom. Anong nangyayari? "Manang!!!!" tawag ni Dad. "Yung gamot." dagdag pa ni Dad.

Anong gamot? anong nangyayari? Dali dali namang umakyat si Manang sa taas. Matapos makainom ng gamot si Mom, kumalma na siya. Nag antay kami ng sasabihin nila.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now