Chapter 39

109 10 0
                                    

Dale POV

"Ako nga pala si Dave." Pakilala ni Dave kay Dara."Narinig ko yung pag amin mo kay Dale kanina." sabi niya pa. "Sorry." sabi ni Dara sabay yoko ng ulo. "Bakit ka nag so' sorry? haha" natatawang sabi Dave. Napaangat naman ng tingin si Dara sa kanya.

"Pasensya na sa ginawa ko kaninang umaga. Gusto ko lang malaman kung totoo ngang may gusto ka sa kapatid ko. Hindi alam ni Dale na gagawin ko yun haha." sabi niya.

"Mag kapatid kami ni Dale." sabi pa ni Dave. "Ok na, Vee, makakaalis kana." sabi ko sa kanya. "Sege na iwan ko na kayo dyan, nagugutom na ako. Wag papakatorpe Dale haha." natatawang sabi niya.

"Anong tinatawa tawa mo dyan? Masaya ka sa ginawa mo? Pinag tulungan niyo ako. hmp." inis na sabi ni Dara. "Gusto din kita." sabi ko. "Hindi ko tinatanong." sabi niya. Paalis na sana siya ng pigilan ko. Ayoko na mag paka torpe pa.

"Sorry na." sabi ko. "Kumain muna tayo." sabi ko. Pinaupo ko naman siya. Hindi naman siya tumanggi pa. "Sabi ng KAPATID MO niluto niya yan sayo." sabi niya. "Haha, Ako nag luto nito, niluto ko to para sayo." sabi ko.

Hindi na naman siya kumibo.
"Ang daming pwedeng pag selosan, kapatid ko pa talaga." sabi ko. "Hindi ako nag selos. Napaka'kapal ng mukha mo." sabi niya. "Sege kunyari nalang hindi. haha." sabi ko. Natapos kaming kumain na walang kibuan.

"So,  pano?" paninimula ko. "Anong pano?" tanong niya. "Pwede ba akong manligaw?" sabi ko sa kanya. "Hindi." Sabi niya agad. Hindi manlang pinag isipan.

"Akala ko ba gusto mo din ako?" tanong ko. "Oo nga gusto kita." sabi niya. "Bakit ayaw mo mag paligaw?" tanong ko.

Akala ko pa naman. Iba ata ang inisip kong mangyayari, hindi ko naiisip na pwedeng gusto niya lang ako pero ayaw niya akong maging boyfriend.

"Anong mukha yan?" tanong niya sakin. "Ah wala." sabi ko. "Na reject ba ako?" tanong ko sa kanya. "Pwede naman ako mag antay kung kailan ka ready." sabi ko sa kanya.

"Kaya nga hindi na kita pinapaligaw kasi ayoko ng tatagal pa, tapos iisipin mo pang mag aantay ka." sabi niya. Nag taka naman akong napatingin sa kanya.

"Hindi mo kasi ako pinapatapos, bakit kailangan pa yung ligaw kung pwede naman tayo na agad." sabi niya. "Tayo na?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Ayaw mo ba?" sabi niya.

"Korni niyo, Ano ba? nasa school tayo." sabi ng familiar na boses. Si Khen. Niyakap ko kasi si Dara. Pinuntahan pala kami nila. "Bitter mo naman." sabi ni Ley kay Khen. "Tch. tara na." sabi ni Khen at nauna ng lumakad.

Nauna ng lumakad yung iba. Nahuhuli naman kaming Apat nila Jiro, Charm at Dara. "Tayo Charm kailan?" biglang sabi ni Jiro. "Huh?" nag tatakang sabi ni Charm. "Wala haha." sabay bawi ni Jiro. Torpe din.

"Napaka slow mo naman girl." sabi ni Dara. "Ano ba kasi yun?" tanong ni Charm. "Kung kailan tayo lalakad ng mabilis, alam mo na para makapag solo yang dalawa." syempre maniniwala naman si Charm kaagad doon. "Oo nga noh." sang ayon ni Charm.

Tiff POV

"Nabalitaan namin na may bago kayong kaibigan na lalaki, at kasama doon yung Dylan. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Tiffany?" salubong sakin ni Mommy pag kapasok na pag kapasok ko ng bahay.

"Wala po akong ginagawang masama." sabi ko. "Wala akong sinabing may ginagawa kang masama. Ang sakin lang, ang daming pwedeng maging kaibigan, bakit yung Dylan pa?" sabi niya. "Ano po bang masama doon?" tanong ko ulit.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now