Ley's POV
"Oh" biglang may nag salita sa unahan ko. May inaabot siyang panyo. "anong gagawin ko diyan?" Sabi ko.
Hindi ko parin inaangat yung mukha ko. Baka pag tawanan niya lang ako kung sino man siya pag nakita niyang umiiyak ako.
"Ano bang ginagawa sa panyo?" Sabi niya. "Pinapampunas sa pawis. Wala naman akong pawis. Kaya thank you na lang." Sabi ko.
"What?? Are you crazy?" Inis niyang sabi. Sabay inangat niya mukha ko. "Ano ba?" pag mamaktol ko. "Zaynnnn??" pag ka angat niya ng mukha ko don ko siya nakilala. Pano na yan baka e' black mail ako nito nakita niya akong umiiyak.
Pinunasan niya yung luha ko. Hindi na ako nakilaban kasi napunasan na niya. Hindi ako makatingin sa kanya. Pag tapos niya nilagay niya sa balikat ko yung jacket niya.
"Ang panget mong umiyak." Sabi niya. Sabay akong napatingin sa kanya ng masama. "Ano? Ako panget? Sa ganda kung toh. Duhh." napakasama ng ugali niya.
"Ayan hyper ka na ulit." sabi niya. "Wag kang mag alala diko ipagkakalat na ang panget mong umiyak hahahah." pang aasar niya pa.
"Siraulo mo. Umalis ka na nga." Pag tataboy ko sa kanya. Sabay tulak. "Hoy harrasment yan. Kakasuhan kita." Pang aasar niya pa. "Hahaha." sabay nalang kami na tawa.
"Ano pala ginagawa mo dito? Gabi na ah. Mag isa ka pa." Takang tanong niya. "Napadaan lang." palusot ko. "Bakit ka umiiyak?" Tanong niya pa.
"Ahh pinagalitan ka. At nag layas ka?" Sabi niya pa. "Sa tingin mo nag layas ako? May nakikita ka bang bag na dala ko?" Sabi ko.
"Hoy! Mag nag lalayas din kayang walang dala." Paliwanag niya. "Ewan sayo. Wala kang kwenta kausap." Na sabi ko nalang.
"Ikaw, bakit ka andito?" Pagbabalik na tanong ko sa kanya. "Nag iisip isip haha." Sabi niya. "May isip ka ba?" Pag bibiro ko sa kanya. "Wala ka ding kwentang kausap." Sabi niya din.
Gutom na ako. Narinig ko na tiyan ko. Bat ngayon pa.
"Hahaha" mahinang tawa ni Zayn. "Pinag tatawanan mo ba ako?" inis na sabi ko sa kanya.
"Hindi ah" sagot niya kaagad. "Tara kain tayo. Hindi pa ako kumain." Pag aanyaya niya. "At bakit naman ako sasama sayo? Baka kung saan mo pa ako dalhin eh." sabi ko sa kanya.
"Sa gwapo kung to? Pinag iisipan mo ako ng masama? Lanyang babaeng to." Biro niya. "Wala akong dalang pera." Nahihiyang sabi ko.
"Ayoko mag karon ng utang na loob lalo na kung sayo yun." Dagdag ko pa. "Libre mo nalang din ako sa sunod." Sabi niya.
Naglakad lakad kami sa may park at may nakita kaming nag titinda sa gilid. Kaya doon ko nalang siya inaya.
"Dyan?" Turo niya. "Dyan tayo kakain?" Hindi makapaniwalang sabi niya. "Oo" sagot ko.
"May malapit na restaurant dito." Sabi niya. "Wag na dito nalang." Pamimilit ko. "Wag mong sabihin hindi ka pa nakakain niyan?" Namamanghang sabi ko.
"Hindi ka pa nakakain ng lahat na tinda diyan?" Tanong ko pa. Tumango nalang siya. "Ano ba naman yan. Wala kang ka taste taste sa pag kain." Sabi ko sabay hila sa kanya don sa tindahan.
YOU ARE READING
INTO YOU (COMPLETED)
Ficção AdolescenteI'm comforting someone who's in pain while i'm in pain too.