Khen POV
Matapos ang hindi inaasahang pag amin ko kay Seth. Hindi ko bigla alam ang gagawin ko. Pinag tawanan niya lang yung pag amin ko sa kaniya.
Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya? Kaya minabuti ko nalang hindi pumasok. Hindi ko alam kung anong gagawin ko basta naglakad lang ako palabas ng school.
Sa kalalakad ko nakakita ako ng computer shop malapit sa school. Doon ako nag palipas ng oras kakalaro. Hindi naman kasi pwedeng umuwi ako ng classhour baka mag taka sila manang.
Saktong uwian sa school umuwi din ako sa bahay. "Oh Khen andito ka na din pala." sabi ni Manang. "Aalis ako bukas, 3 days akong mawawala. Ibigay mo saken yang uniform mo pag kabihis mo. Lalabhan ko." sabi pa ni manang.
Para hindi na ako bumaba mamaya, parang gusto ko nalang matulog eh. Doon ako sa cr sa baba inalis yung uniform ko. Dalawang hakbang nalang sana para maka tungtong ako sa taas ng marinig ko si Jade.
"Kaibigan po yan ni Kuya." rinig kong sabi ni Jade. Sinong kaibigan? "Andyan ba kuya niyo?" rinig kong sabi ng nasa labas. Bakit boses ni Seth? Ano naman gagawin niya dito? tch kung ano ano na naiisip ko. Ganito ba pag nag kakagusto? "Opo nasa kwarto po siya." sabi ni Jared.
"Sino yan?" tanong ko habang pababa ng hagdan. Dahil na curious ako bumaba ulit ako para tingnan. Totoo ngang si Seth yun. Hindi ako namamalikmata. Bigla kong naalala na, naka short lang pala ako. Mabilis akong tumakbo pataas at nag damit. Nakakahiya tch.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pag kababa ko. "Inalam kong nandito kana. Hindi ka nag rereply or tumawag man lang." sabi niya. Bakit nag aalala ba siya? "Ano naman?" kunyaring wala akong pake. "Baka nakakalimutan mong umalis ka ng walang paalam." inis na sabi niya.
"Bakit porket ba umamin ako sayo kailangan sabihan na kita kung saan ako pupunta?" sabi ko sa kanya. Lumabas nalang bigla sa bibig ko yun. "Alam mo ba yang sinasabi mo?" sabi niya. "Alam mo bang nag aalala ang mga kaibigan mo, bigla bigla kalang umalis. Hindi ka man lang nag sabing uuwi ka. Sila doon hindi mapakali habang ikaw dito napakakampante." inis na sabi niya.
Napatahimik nalang ako bigla.
"Sorry, hindi ko naisip yun." sabi ko. Masyado ako nag padala sa nararamdaman ko. "Hindi ako pumunta dito para makipag away." sabi niya. "Pumunta kaba dito dahil nag alala ka saakin?" Bakit ko ba tinanong yun. Bigla akong nahiya sa mga pinag sasabi ko.
"Oo, feeling ko kasalan ko kung bakit ka biglang umalis." Ganon ba yun? guilt lang pala. "Kala ko pa naman." bulong ko.
"Tsaka hindi ko pinag tatawanan yung nararamdaman mo. Hindi lang ako makapaniwala." sabi niya. "Mauna na ako. E' text or tawagan mo sila, sabihan mong nasa bahay niyo kana para makampante na din sila." dagdag niya sabay nag lakad na palabas ng gate.
"Hatid na kita." sabi ko. "Hindi na. Sabihan mo sila Jade at Jared na umuwi na ako at hindi na ako nakapag paalam sa kanila." sabi niya. Pag kasakay na pag kasakay niya ng Taxi.
Paalis na sana yung sinasakyan ni Seth ng pigilan ko.
"Teka lang manong." sabi ko. Nag taka mang tumingin saakin si Seth pero binaba niya naman yung bintana ng kotse.
"Hayaan mong gustuhin kita. Hayaan mo akong iparamdam ko ang nararamdaman ko para sayo Seth." seryosong sabi ko, sabay tumakbo papasok ng bahay.
Bakit ko ba sinabi yun? Ano bang pumasok sa isip ko bat nasabi ko yun? may sira na ata ulo ko. Pano ko nalang siya haharapin bukas? Hindi ka nag iisip Khen.
YOU ARE READING
INTO YOU (COMPLETED)
Teen FictionI'm comforting someone who's in pain while i'm in pain too.
