Khen POV
Nagising ako ng may gumalaw sa tabi ko. Andito pa pala kami sa may sofa. Nag kunwari akong natutulog pa, mukhang pagising na siya.
Inalis niya yung ulo niyang nakapatong sa dibdib ko at dahan dahan niyang inalis yung kamay kung nakahawak sa bewang niya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko. At pinigilan siya, napahiga uli siya sakin. Nag pumilit siyang humiwalay kaso nakapulupot na sa kanya yung dalawa kung kamay kaya di siya maka alis alis.
"1min." sabi ko sa kanya. Wala siyang nagawa kundi hayaan ako. "Namiss kita, Seth." sabi ko sa kanya. Wala akong natanggap na tugon sa kanya.
"Wala ka man lang sasabihin?" tanong ko sa kanya. "Ano naman?" tanong niya sakin. "Kaya nga tintanong kita eh." balik ko sa kanya.
"Anong ginagawa niyong dalawa?" tanong ni Zayn na kakapasok lang ng bahay kasama si Ley. hmmm...
"Ano sa tingin mo?" tanong ni Seth. "Sweet ba yung ganito??" dagdag pa ni Seth. "Hay naku, Princess." sabi ni Zayn.
Bigla siyang lumapit samin at pinag hiwalay kaming dalawa ni Seth at umupo sa gitna namin.
"Ano kaba Zayn, para ka na ding si Sean at Shin haha." natatawang sabi ni Ley. "Oh, ok na kayo?" pag iiba ko. Bigla nalang tumayo si Zayn at sinama si Ley.
"Anyari don?" umiling iling naman si Seth. "San ka pupunta?" tumayo na kasi siya.
"Mag C-cr." nag simula na siyang mag lakad. "Samahan na kita." habol ko sa kanya. "Siraulo kaba?" napatigil na siya sa pag lakad.
"Hindi naman ako sasama sa loob. Sa labas lang naman ako ng pinto." sabi ko sa kanya. Nakakatawa yung reaksyon niya eh.
"Maupo ka doon." turo niya sa inuupuan namin kanina. "Kung ayaw mo masaktan." sabi niya bago siya nag diritso na papuntang cr.
Mabilis naman kaming natapos mag dinner, nakapag ready na din sila ng mauupuan namin sa tabing dagat pati na dun yung gagawin naming apoy.
Sobrang saya nitong araw sana mag tuloy tuloy na to.
"Kasabay ng graduation yung birthday ni Khen." Sabi ni Dylan. "Sa resort nila Zayn gaganapin yung birthday ko eh, at isasabay na din yun sa graduation natin." sabi ko sa kanila.
"Nagustuhan kasi ng mga parents namin yung resort niyo." dagdag ko. "Na eexcite na ako." sabi ni Charm. "Wag ka ma excite te, baka hindi ka naman kasama sa ga' graduate haha." biro ni Dara. Siraulo haha.
"Bigla akong kinabahan doon ah, pano nga kung hindi? haha." dugtong ni Charm. Nag tawanan nalang kami.
"Laro tayo." sabi ni Ley. "Truth or Dare." dagdag niya pa. Sumang ayon naman sila doon. Pinapalibutan namin ang isang mababaw na mesa.
Unang tumapat kay Tiff.
"Truth or Dare?" tanong ni Ley. "Truth." hindi pa siya sure kung tama ba nasabi niya haha.
"Kayo na ba ni Dylan?" tanong ko. "Oo." tugon niya agad sabay napayoko. "Sabi ko na nga ba." natatawang sabi nila.
"Isakto mong itapat kay Zayn." sabi ko kay Tiff, siya kasi yung mag iikot ng bote. Nag patuloy lang yung larong yun hanggang tumapat kay Zayn.
"Dare." pag pipili niya agad. "Hawakan mo yung kamay ng taong gusto mo hanggang matapos tong laro." sabi naman ni Dara.
"Dalawa gusto ko dito eh, ay hindi.... Siyam pala." sabi ni Zayn. "Siyam kasi, pwedeng gusto bilang kaibigan, bilang kapated, diba??." sabi ni Tiff. Tumango naman si Zayn.
YOU ARE READING
INTO YOU (COMPLETED)
Teen FictionI'm comforting someone who's in pain while i'm in pain too.