Chapter 34

100 11 0
                                        

Seth POV

"Hindi ako mamamatay sa ganitong kaliit na sugat." sabi ko kay Zayn na pilit pinag pipilitang gamutin yung sugat ko sa gilid ng labi ko.

"Arayyy!" bigla kasing diniinan ni Zayn yung pag kakadapo ng cotton sa labi ko. psh. Napalingon kami ng biglang malakas na sumara yung Pinto. Lumabas si Khen. May galit ba siya.

"Wala ka ba talagang balak sabihin kung ano mo itong si Paine?" pag pupumilit pa din ni Ley. "Kapated ko yan." sabi ko. Kita kong nabigla si Sean ng sabihin ko yun. "Akala ko po ba--." hindi ko na siya pinatapos. "Hindi ako aalis" sabi ko kay Sean.

Isa kasi yun sa sinabi ko na wag ipapaalam kung mag kaano ano kami. Akala niya pag may nakaalam na mag kapated kami. Aalis ulit ako. Tsaka unang pag kikita namin galit siya saken. Hindi ko naman alam na may pake pala siya saken.

"Hindi mo sinabi sakin na may kapated ka pala Seth." nag tatampong sabi ni Ley. "Bakit nag tanong kaba?" tanong ko sa kanya. "Nag tanong ako sayo ah." sabi niya. "Wala akong narinig." sabi ko. Malay ko bang tinanong niya yun.

"Mag kamukha nga kayo." sabi naman ni Tiff. "Oo nga bat diko napansin yun." sabi ni Dara. Iba kasi nasa isip niyo. Psh.

~

Pag kauwi namin sa bahay hindi na ako tinigilan ni Sean. Ganyan na ganyan din siya dati saken, lagi niya akong kinukulit. Parang kailan lang Grade 4 lang siya. Ngayon sobrang lake na niya.

"Ate, laro tayo." sabi niya. "Wag kang makulit Sean." kanina niya pa ako pinipilit. "Atee!!!" Maya Maya sumigaw na naman siya. "Kakain na." sabi niya pa.

Pag katapos namin kumain. Lumabas ako para mag pahangin, naupo doon sa malapit sa swimming pool. Hindi ko namalayan na lumabas nadin pala sila Sean. Maya maya lang dumating naman si Zayn.

"Kuya Zayn, andito kana po pala." salubong ni Sean sa kadadating lang na si Zayn. "Naalala mo diyan tayo nag lalaro? lagi mo ngang pinapaiyak si Sean eh" panimula ni Zayn, sabay tinuro niya doon sa kabilang side.

Hindi naman ako kumibo. Hindi pa ako handa para sa mga ganyan. Ayoko munang pag usapan yung mga ganong bagay.

Kinabukasan

Maaga akong pumasok dahil may isasauli akong libro. Saktong naka recieve ako ng tawag kay Ley sa canteen daw kami mag aalmusal sabi daw ni Khen dahil may sasabihin daw si Khen. Ano na naman kaya ganap ng lalakeng yun.

Pag katapos kong pumunta ng library nakita kong parang tanga si Khen na nakapikit habang naka sandig sa upuan na parang ang lalim ng iniisip. Lalagpasan ko na sana siya kaya lang siya yung nag aya na kakain sa canteen bakit siya andito.

Kaya kinausap ko siya pero hindi siya makausap ng matino. Ano ba ginawa ko sa kanya at inis na inis siya sakin. psh. Pag karating naming canteen hindi pa man siya nakakailang subo kasi kita naman sa kinakain niya umalis naman agad siya.

"Si Khen ba yun?" sabi ni Charm habang naka turo doon sa kabilang side ng inuupuan namin. "Si Khen nga." sabi naman ni Jiro. "Kaya pala nag mamadali kasi may kikitain." sabi naman Dylan. "Binata na kaibigan natin. haha." natatawang sabi ni Dale.

Nag uusap usap lang sila ng kung ano ano doon. "Tingnan niyo yun." turo ni Zayn. Doon sa lalake at babae na parang nag hahalikan ata. Dito pa talaga nila yan ginawa. "Bigla kong naalala si Dara at Jiro dyan." biglang sabi ni Dylan.

"Huh??" sabay na sabi ni Jiro at Dara. "Maang maangan pa kayo." sabi naman ni Tiff. "Oo nga noh. Naalala ko din." sang ayon pa ni Ley. Mga walangya bakit kailangan pa nilang sabihin yan.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now