Chapter 14

139 14 0
                                    

Ley's POV

Mabilis lumipas ang oras. At ngayon uwian na. Pauwi na ako ng may marinig akong umiiyak na bata.

"Tahan na. Okay lang yan." Sabi ng bata sa batang umiiyak. Naalala ko si Seth haha. Bigla kung naalala kung bakit sinundan ko siya dito kahit malayo at ayaw ko na bumalik sa lugar na to.

*Flashback

Dahil first day ng klase, maaga akong pumasok. Inantay ko si Seth sa bench, kitang kita yung mga papasok sa gate. 30 mins na nakalipas wala pa siya.

Tinawagan ko siya. Hindi niya sinasagot. Kaya tinawagan ko yung lolo at lola niya hindi din sinasagot. Kaya pag katapos ng klase pumunta ako sa bahay nila. Kaso walang tao. Nag antay pa ako ng ilang pang sandali baka may pinuntahan lang sila.

"Miss, hinihintay mo ba yung may ari ng bahay na yan?" biglang tanong nong kapitbahay nila. "Ahh, opo. Alam mo po ba kung asan sila?" Tanong ko.

"Wala na nakatira diyan. Sa pag kaka alam ko, umalis yung dalaga kahapon. Ang dami ngang dala, tsaka yung mag asawa naman, kakaalis lang kanina ang sabi sa ibang bansa daw muna sila. Yun lang ang pag kakaalam ko..." mahabang sabi ng ginang. "Salamat po."

Siraulong babaeng yun. Saan ba siya nag punta? Madaming dala? Hindi man lang nag paalam kung saan pupunta. Siraulo talaga. Ganon na lang ba yun? Ilang years yung pinag samahan namin. Ni paalam hindi manlang niya magawa.

Nanlulumong umuwi ako sa bahay. Sinalubong ako ni Lola at Lolo. "Oh, apo anong nangyari?" Alalang sabi ni Lola. "Bakit ganyan yung itsura mo? Anong nangyari?" Sabi naman ni Lolo.

"Kase naman si Seth eh." Mangiyak ngiyak kong sabi. "Bakit nag away ba kayo apo?" Alalang sabi ni Lolo. "Natural lang naman mag away ang mag kaibigan." Pag papaliwanag ni Lola. "Hindi po kami nag away." Paliwanag ko.

"Umalis siya Lola, lolo, umalis siyang walang pasabi. Tama po ba yun? Ilang years kaming nag sama. Tapos ni hindi niya man lang sinabing aalis siya. Ni hindi niya sinasagot tawag ko. Pati na din ang lolo at lola ni Seth. Pano ko malalaman kung asan siya?" Bigla nalang tumulo luha ko.

Bukod kay Lolo at Lola, siya lang yung takbuhan ko sa lahat. Hindi ko naisip na aabot kami sa ganito. Hindi ko naisip na mang yayari samin to.

"Saan ba sila nag punta?" Nagtatakang tanong ni Lola. "Sabi po ng kapitbahay nila, si Seth po umalis kahapon, may mga dalang bagahe tapos kanina po kakaalis lang daw po ng Lolo at Lola ni Seth, papunta daw po sa ibang bansa." Paliwanag ko.

"Hindi nila kasama si Seth?" Tanong ni Lolo "Opo." sagot ko. "Baka bumalik na si Seth sa dati niyang tinitirhan?" singit ni Lola.

"Alam niyo po ba kung saan dati nakatira si Seth? Wala po bang na kwento yung lola at lolo ni Seth?" Mag kaibigan kasi yung Lola ko at Lola ni Seth.

*End of Flashback

Bigla akong nabalik sa reyalidad ng may tumawag saken. Si Kuya.

"Anong ginagawa mo diyan. Bakit hindi ka pa pumasok?" Tanong niya. "Ahh. Haha akala ko kasi may nakalimutan ako." Palusot ko. "Oo nalang Ley." natatawang sabi niya.

"Halika nga dito." Seryosong sabi ni Kuya. Kinabahan ako. Baka galit din siya saken. Wag naman sana. "Bakit po?" Kinakabahang sagot ko.

"Anong reaction yan Ley haha." sabi niya. Siraulo amp. "Ang seryoso mo kasi Kuya eh. Akala ko papalayasin mo din ako. Haha." biro ko.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now