Chapter 27

121 9 0
                                        

Khen's POV

Andito kami ngayon sa Guidance office ni Seth.

"Hindi namin magagawa yan." sabi ko. "Nagawa niyo na nga." sabi naman nong lalake. "Padating na magulang nila." rinig kong bulong ni Coach sa Principal.

Nag si'datingan naman nga yung magulang nong limang lalaking nasa harap namin ni Seth.

"sino may gawa nito sayo?"
"anong nangyare sayo?"
"saan masakit?"
sabi ng mga magulang nila.

"Siya mommy." sabi ng isang lalake sabay turo kay Seth. "Hindi totoo yan." sabi ko naman sa kanila. "Yang babaeng yan? sigurado kayo?" sabi naman ng isang pang parent.

"Diba po, imposibleng siya po may gawa niyan." sabi ko sa kaniya. "Sinasabi mo bang sinungaling ang anak ko?" sabi saken ng magulang niya.

"Sino naman to?" turo niya saken. "Kasamahan niya po." turo kay Seth. "Wala kaming ginawang masama sainyo." sabi ko pa.

"Ano bang buong nangyare?" sabi ng Vice Principal.  mag sasalita na sana ako ng pigilan ako ni Seth. "Wala kaming dapat ipaliwanag. Para namang sinasabi niyong ginawa talaga namin yan." sabi niya.

"T-totoo n-nman ginawa n-niyo." uutal utal na sabi ng isang lalake. "Wala naman bakas na sinaktan namin kayo. Wala kaming kahit dumi man lang sa katawan o konting dugo sa damit." paliwanag ko pa.

"Malay ba namin na nakapag bihis kayo agad." sabi nong lalake.

Napayoko nalang ako. Wala akong magawa.
Habang si Seth, sobrang relax lang na nakaupo. Habang naka tingin sa kisame. Talaga bang wala siyang gagawin para malinis pangalan namin.

"Asan ang magulang ng dalawang yan? Hindi ako papayag na babaliwalain lang to." sabi nong isa pa. "Hindi makakarating ang magulang ng dalawang yan." sabi ni Coach.

"Napaka unfair nito. ano babaliwalain nalang ba to? walang kalaban laban itong mga batang to." sabi pa ng isa.

"Sa ngayon po, ang magagawa muna namin ay ipadala sila sa hospital para ipagamot yang mga sugat nila." sabi ng Principal. "Aalamin po namin ang nangyare." dagdag naman ni Coach.

"Sa ngayon susundin namin yang desisyon niyo. Pero bukas na bukas babalik kami. Andito dapat magulang ng dalawang batang yan." sabi niya.

Pag kaalis nila natira kami ni Seth, at ang Principal, Vice principal at si Coach na siyang nag ha'handle sa Guidance.

"Hindi pa kayong dalawa nakontento sa mga pinag gagawa niyo nong nakaraan at sa ibang estudyante niyo naman ginawa. Akala niyo ba hindi nakarating sakin yun?" sabi ng vice principal. Nanatili nalang akong tahimik sa mga sumunod pa nilang sinabi.

"Bukas na bukas, papuntahin niyo parents niyo dito at mag paliwanag kayo sa mga nangyari." sabi ni Coach. "Pwede na kayong lumabas." sabi ng Principal.

"Bakit ba pinatigil mo pa ako, sana nakwento ko yung totoong nangyare. Sino ihaharap ko bukas na magulang sa kanila?" inis na sabi ko pag kalabas na pagkalabas namin.

"Sa tingin mo pag nag sabi ka ng totoo maniniwala sila?" sabi niya. "Yan.. yan yung mahirap sayo eh." sabi ko.

"Kahit mag paliwanag kapa hindi na mag babago ang lahat." sabi niya. "Hindi nga mababago pero atleast napag tanggol man lang natin sarili natin." sabi ko pa.

"Para mo na ring sinabing ginawa natin yung sinasabi nila." sabi niya naman. "Sa pananahimik natin, talagang maniniwala silang ginawa nga natin." sabi ko.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now