Tiff's POV
"Baby boy." Salubong ko sa aking baby boy pag kababa ko ng hagdan. Napaka cute talaga nitong baby boy ko.
Until now, I can't accept the fact that I was stupid 2 years ago for hating this baby. Alam kong wala siyang kamuwang muwang pero kung itakwil ko siya dati para namang siya yung may dahilan ng lahat ngayon.
"Mimi" malambing na sabi niya saakin. Baby Andy is a blessing. "Papasok na ako baby boy." Paalam ko sa kanya. Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago umalis ng bahay.
Pag ka dating na pag kadating ko ng School. Tanaw na tanaw ko si Dylan at yung girlfriend niyang kadadating lang. Ano bang pake ko sa kanila.
"See you later." Rinig kong sabi ni Dylan sa girlfriend niya. Nag panggap akong walang narinig at diri'diritsong nilampas sila.
Napaghandaan ko na to eh. I know that one day you'd fall for someone and ito na yung araw na yun.
Buti nalang nakita ko si Dara. Diritsong pumunta ako sa kanya sa bench. Kahapon pa tong tulala hanggang ngayon ganon pa din."Dara!" tawag ko sa kanya. "Dara!" tawag ko pa din. Napakalayo ng tingin niya. "Hoy babae." Gulat siyang napatingin ng sigawan ko siya. Hahaha lt yung reaction niya.
"Ano ba? nakakagulat ka naman. Ano ba problema mo?" Sabi niya. "Ikaw. Ano problema mo?" Seryosong sabi ko. "Kahapon kapa ganyan ah." Dagdag ko pa.
"Masama lang pakiramdam ko." sabi niya. "Palusot." Hindi ko na siya pinilit pa. Alam ko namang mag sasabi naman siya pag gusto niya.
"Tiff si Dylan oh. Paparating." Bulong ni Dara. "Kasama girlfriend niya." Dagdag niya pa. "Wala akong pake napakadaldal mo ah?" Tugon ko.
"Wow huh. Kunyari pang naka moved on na haha." Biro ni Dara. "Tigilan mo ako diyan ah." Hindi nalang ako kumibo pa.
"Nakalampas na sila. Pwede kanang huminga." Biro pa ni Dara. "Ewan ko sayo Dara." sabi ko sa kanya. "Ako kaya? kailan kaya dadating ang para saken. Yung totoong para saken." Seryosong sabi niya. "Bakit may fake bang para sayo? Hahah" biro ko.
Pag kapasok namin sa room tsaka naman dumating si Charm. "Uy charm anong itsura yan?" Nag tataka tanong ni Dara.
"Parang kahapon lang ang saya saya mo dahil pinansin ka ni Jiro ah." Gulat na napatingin saken si Dara. "Totoo yun Dara. Tapos kagabi nakita kong pinasakay ka ni Jiro sa kotse niya ah." Mas nagulat pa si Dara sa sinabi ko.
"Dapat ngayon masaya ka bakit ganyan yung itsura mo?" Dagdag pa ni Tiff.
"Mag move on kana kaya kay Jiro, Charm. Andaming lalakeng may gusto dito sayo sa school. Baka hindi talaga si Jiro yung para sayo." Seryosong sabi ni Dara.
Anong nangyayari dito kay Dara. Bat niya pinipigilan na mag ka gusto si Charm kay Jiro. Parang dati lang siya pa yung todo cheer kay Charm para kay Jiro. Bat ngayon iba na.
"Hindi naman si Jiro ang dahilan ng kalungkutan ko ngayon eh. Tsaka, hindi ganon kadali palitan basta basta ang taong gusto natin." Seryoso ding sabi ni Charm.
Nag sidatingan na yung mga kaklase namin at Dumating naman na yung Teacher, hindi na kami nakapag usap usap. Matapos ang sunod sunod na lesson ng kada subject, lunch na.
"Tara na. Gutom na ako." Pag aaya ni Ley. "hindi pa ako gutom. Sa library muna ako." paalam ko sa kanila. Hindi ko na sila pina salita. Umalis kaagad ako.
Pababa na ako ng makita ko si Dylan at girlfriend niya. Sanay naman akong madami siyang babae pero wala siyang pinapakilalang girlfriend kaya siguro naninibago ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/194547653-288-k446323.jpg)
YOU ARE READING
INTO YOU (COMPLETED)
Ficção AdolescenteI'm comforting someone who's in pain while i'm in pain too.