Chapter 6

223 17 0
                                    

Dale's POV

"Siraulo yung dalawang yun. May usapan tayo eh. Umuwi agad." Sabi ni Jiro. "Kala mo talaga iiwan sila ng bahay nila pag matagal maka uwi." sabi ko.

"Ang dadaya hanep ah." sabi ni Jiro. "Ano nang gagawin natin." tanong ko. "Laro nalang tayo sa mall." sabi ni Dylan. Napag desisyunan namin yun nalang gawin.

Pag kadating namin sa mall. Pumunta kaming game zone, andaming tao. Siguro dahil first day ngayon ng pasukan kaya andaming estudyante.

Nakipag siksikan kami doon. Una naming pinuntahan yung larong basketball. Andaming nakapalibot na tao don. Parang may pinapanood silang nag lalaro.

Nakipag siksikan kami para malaman namin kong anong nangyayari at para makapag laro na din kami.

"Ano to? Nasa plaza ba tayo." natatawang sabi ni Jiro. "Kung kelan naman larong laro na ako eh." inis na sabi Dylan.

Pagkadating namin sa unahan nakita namin kung sino yung pinapalibutan. Tatlong babaeng nag lalaro.
Parang nag papaligsahan sila kung sino mananalo. Hanep naman. Gusto na namin mag laro eh.

Umalis muna kami don. Nag laro muna kami ng ibang laro. Inantay lang namin na matapos yung mga babae bago kami sumunod doon.

Blaaaagggggggg

"Ano yun??" Takang sabi ni Dylan. "Mukhang nag kakagulo parte doon sa may basketball game." sabi naman ni Jiro. "Tara tingnan natin." pag aaya ko.

Yung uniform nila. Uniform ng babae sa School namin. Schoolmate namin. Familiar sila ah.

"Miss bigay mo na number nyo samin."
"Bigay nyo na at sumama narin kayo samin."
"Ang se'sexy nyo naman."
"Miss anong pangalan mo?"

"Mukhang nng babastos yung mga lalaki bro." sabi ni Dylan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"HOYYYY." sigaw ko. Ano bang ginagawa ko. Bahala na. "At sino ka naman?" sabi nong isa. "Bat ka nangingialam dito huh?" singit naman nong isa.

Limang lalaki. Haneppp naman. Bahala na si batman.

"Anong ginagawa nyo sa kanila ah?" sabi ko. "At ano naman ang pake alam mo don?" sagot saken ng isa. "Ang tapang mo ah." Sabi pa ng isa.

Ano bang pinasok ko. Mamaaaaa

"Umalis na kayo." sabi ko doon sa tatlong babae. Humarap samin ang tatlong babae. "Oh kaklase natin yan bro." sabi ni Jiro. "Kaya pala familiar." sabi na familiar eh. "kayong tatlo umalis na kayo." dagdag na sabi ko pa.

"Walang aalis." sabi na naman  ng isa. "Wala akong sinabing umalis kayo." dagdag niya pa. "Sasama kayong tatlo samin." sabi naman nong isa.

"Walang sasama sa inyo." sabi ni Dylan sabay pinapunta sila Dara sa likod namin. "Bro wala tayong laban diyan." ngingisi ngising sabi ni Jiro. "Wala talaga haha." mahinang bungisngis ko. "Dating gawi." sabi ni Dylan.

Pinaliwanag ni Dylan sa tatlong babae ang gagawin. Nang nakita kong parang na gets na nila. Sinimulan ko na.

"1,2,3," mahinang sabi ko.


"TAKBOOOOO!!!" sigaw ko.

Hindi ko na alam ang gagawin basta ang alam ko may hinawakan ako sa kamay ko bago ako tumakbo. Buti nalang di kami nahabol.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now