Khen POV
"Yan sunod sunod pa kasi kayo dito samin tingnan mo yang itsura mo. Selos yang ganyang mukha haha." sabi ni Ley.
"Ikaw Ley, hindi ka ba nasasaktan? Yung taong gusto mo, gusto ang kaibigan mo at gusto din ng kaibigan mo." sabi ko kay Ley.
"Nasasaktan." wala sa sariling sabi niya. "Nasa dugo ata natin Ley yung malas sa pag ibig haha." natatawang sabi ko. "Isantabi muna natin to. Tara na." sabi niya.
Dalawang upuan siya kada row. Nauna naman umupo si Dara at Dale sa pinaka unahan. Sunod si Jiro at Charm. Sumunod naman si Tiff at Dylan. Naupo naman si Zayn at Seth. Wala naman kaming nagawa ni Ley kundi ang umupo na din sa likod ni Zayn at Seth.
"Bigla kung naalala nong mga bata pa tayo. Diba sabi natin noon na balang araw sasakay tayo dito." rinig naming sabi ni Zayn.
"Pero sabi pa natin, ang balang araw na yun ay hindi mang yayari haha. Kasi hinding hindi tayo sasakay sa ganito haha." pag kwe'kwento pa ni Zayn.
"Hindi ka marunong tumupad sa usapan. Ede sana payapa tayong nakaupo doon sa may bench ngayon." sabi ni Seth. "Hayaan mo na minsan lang naman haha." tatawa tawang sabi ni Zayn.
"Kumapit kalang sakin pag di mo kaya." sabi ni Seth kay Zayn. Sabay naman kaming nag katinginan ni Ley habang yung anim pa naming mga kaibigan busy sa kani kanilang lovelife.
Bigla akong naiinggit, sana ako yung katabi niya. Sana ako nalang yun. Bigla naman umandar na paunti unti. Nakatingin lang ako sa unahan namin. Nawala yung takot ko. Hindi ko namalayan na tapos na pala.
"Ok lang kayong dalawa?" tanong ni Ley kay Zayn at Seth na namutla. Habang papunta kami sa bench. Pinainom naman nila yung dalawa.
"Ok ka lang?" tanong ni Seth. "Sabi ko naman sayo wag na tayong sumama e." sabi pa ni Seth. "Ano ba kayo, ok lang ako. Nahilo lang ako." sabi ni Zayn.
Napag desisyunan naman naming kumain na muna kasi mag didilim na din naman. Pag tapos namin kumain nag pahinga lang kami saglit at pumunta naman kami sa mga palaro doon.
"Guyssss, Total naman naka pag bonding na tayo, partner partner naman haha. Mag kita kita nalang tayo dito mamaya, mga 8:30. Bye haha." sabi ni Dara at nag lakad na sila ni Dale. Sumunod naman si Charm at Jiro. "Tara Tiff." aya naman ni Dylan kay Tiff.
Langya pano naman kaming mga wala? Naiwan kami apat doon. Nag paalam naman si Seth nng may tumawag sa kanya. Naupo siya don sa bench.
"Tara Ley." aya ni Zayn kita kong nagulat si Ley ng ayain siya ni Zayn. "Pano kami? wag niyo kaming iwan dito." sabi ko sa dalawa.
"Alam niyo namang hindi kami ok ni Seth e." dagdag ko pa. "Yun na nga. Ayusin niyo yan. Tara na Ley." sabi ni Zayn.
Ano nalang mang yayari samin nito.
Ley POV
Pag kaalis namin doon. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Zayn. Sumunod lang ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na mag de'desisyon siya ng ganon. Alam naman ata ng lahat at halata namang may gusto siya kay Seth eh.
Naalala ko pa noon na sinabi ko sa sarili ko na ayokong dumating sa punto na mag kakagusto ako sa taong may ibang gusto, ito na yun, nangyari na nga. Pero ano naman magagawa ko? Sakin nalang to kung maaari.
Na feel ko yung naramdaman ni Khen. Ayokong hadlangan pa si Seth sa kung anong ikakasaya niya. Kahit sana sa pag ibig maging masaya siya.
"Anong iniisip mo?" gulat akong napatingin ng mag salita si Zayn. Ang hilig niya talagang mang gulat. "Papatayin mo talaga ako sa gulat noh?" tugon ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako.
YOU ARE READING
INTO YOU (COMPLETED)
Teen FictionI'm comforting someone who's in pain while i'm in pain too.
