Chapter 16

125 13 0
                                        

Khen's POV

Friday na ngayon. Wala pa din akong naiisip na pwedeng iganti sa pag papahiya niya saken. Papasok na ako ngayon sa School ng matanaw ko kung sino yung nasa unahan ko. Si Seth.  hmp

May kasalanan pa siya saken. Pinahiya niya na naman ako sa madaming tao. Titigilan ko na sana siya kaso yung ginawa niyang pag papahiya saken. Hindi ko papalampasin yun. Antayin niya yung sunod kong gagawin.

Sisiguraduhin kong hindi niya malalaman na ako ang may gawa non. Kaya maaga akong pumasok para makaisip ako ng gagawin ko.

Nagsimula na yung klase wala pa din ako maisip. Hanggang sa dumating yung oras para sa recess, wala pa din akong maisip. Hindi ata sila bumaba pati mga kaibigan niya wala dito sa canteen.

"Bro, anong problema bakit parang nasa ibang mundo ka ngayon." biglang sabi ni Zayn. "Kanina ka pa namin pinag mamasdan." singit naman ni Dylan.


"Sobrang layo ng tingin mo. Ni hindi ka nga nakikinig sa lesson." Sabi naman ni Dale. "Ano bang iniisip mo?" takang tanong ni Jiro. "May nagugustuhan kana ba? Haha" siraulong Zayn to. "Na busted siguro tong si Khen." gatong pa ni Dale.

"Baka nakabuntis?" sabi naman ni Dylan. "Oo tapos gustong panagutan ng nabuntis niya yung bata." dugtong ni Jiro. "Mga siraulo. Iniisip ko lang kung pano ko papatahimikin yang mga bibig niyo." sabi ko sa kanila.

"Hindi ka naman mabiro." natatawang sabi ni Zayn. "Cr muna ako. Mauna na kayo sa Room susunod nalang ako." Paalam ko sa kanila sabay alis.

Dahil malapit na mag time. Mabilis lang akong nakatapos sa Cr. Paalis na sana ako ng may marinig akong familiar na boses sa loob nang Cr ng mga babae.

"Hintay lang Ley. Mabilis lang ako. Ibaba mo na. Natatagal pa ako sayo eh..... Hindi.. Ako lang mag isa dito." rinig kong sabi ng kakapasok pa lang sa loob na babae sa cr ng pambabae. Si Seth. Pag kaalis ko sa Cr bumalik na ako sa room.

"Kanina lang tulala ka tapos ngayon tatawa tawa ka. Nababaliw ka na ata Khen." salubong saken ni Zayn. "Baliw na nga ata ako. Haha." sabi ko nalang. "Ang tagal mo namang nag Cr." singit ni Dale. "Tumae siguro yan haha." singit naman ni Dylan.

"Anong nangyari sayo Seth bat ganyan yung itsura mo." Gulat akong napatingin sa pinto ng mag salita yung isa sa kaibigan ni Seth. "May siraulong nag lock ng pinto ng Cr nilagyan pa ng harang." Seryosong sabi ni Seth sabay tingin saken.

Umiwas agad ako ng tingin.
"Sino na naman kaya gumawa non?" Nag tatakang tanong ng mga kaibigan niya. "Hindi ba galing kang Cr Khen. Wala ka bang napansin sa cr ng mga Girls?" Singit ni Zayn. "Wala naman." tugon ko.


Habang nag lelesson may pumasok na nag momonitor dito sa school. Kinausap niya muna yung Teacher namin bago humarap samin.

"May nakapag sabing andito daw yung may gawa sa pag ka sira ng cr ng girls sa baba ng building niyo. Sino sa inyo? o May alam ba kayo kung sino? Ang sabi ng iba na kagagamit lang, na ayos pa daw yun kani kanina lang." Sabi ng nag momonitor. Biglang nag taas ng kamay si Seth. "Yes, Miss?"

"Ako yung sumira sa Pinto ng cr na yon." Matapang na sabi ni Seth. Biglang mahinang tumawa yung kaibigan nyang si Ley.

Nagbulungan yung mga kaklase namin pati nadin yung kaibigan ko at kaibigan niya. Talagang masaya pa siya sa ginawa ng kaibigan niya.

"Diba ikaw yung trasferee?" Nagtatakang tanong ng nag momonitor. Tumango naman si Seth. "Bakit mo ginawa yun?" tanong ni Miss. "Binuksan ko lang para makalabas ako." relax na sabi niya.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now