Khen POV
Pag kababa namin rinig na rinig namin tawanan ni Seth at Zayn. Hindi ko pa siya narinig tumawa ng ganyan.
Ayokong sirain ang birthday ni Zayn, ngayon lang ulit siya nakapag celebrate ng birthday niya kaya pinipigilan ko ang sarili ko.
"Oh, andyan na pala kayo." sabi ni Zayn. "Tara nag pahanda ako ng meryenda natin." dagdag pa ni Zayn.
Tumungo naman kami doon may hotel ng resort nila Zayn.
Hanggang tingin nalang uli ako kay Seth haha. Nag away lang kami pero hindi kami nag break pero bakit ganito?
Bakit wala akong karapatan sa kanya kahit ako yung boyfriend? bakit wala akong magawa.
Nawalan ako ng gana, hindi ko na namalayan na tapos na pala kami kumain.
"Tara sulitin na natin to, mag libot libot tayo." sabi ni Ley. Sumang ayon naman sila.
Habang nag lalakad lakad kami sa tabing dagat lumapit sakin si Ley.
"Ok ka lang?" tanong niya. "Pipiliting maging ok." tugon ko. "Hindi pa kayo nag uusap?" tanong niya pa.
"Hindi pa. Mukha namang wala siyang balak makipag usap sakin eh." sabi ko. "Kaya wala ka ding balak kausapin siya?" tanong na na naman niya.
"Hindi talaga kayo makakapag usap or mag kaka ayos niyan kung nag aantay ka rin na kausapin ka, kung nag aantayan lang kayo." mahabang sabi ni Ley.
Tama naman siya don. Pero hindi ko alam kung pano ko sisimulan. Bakit ba kasi hindi ko nalang sinarili yung pag seselos ko.
"Ikaw Ley..." baling ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin. "ayaw mong umamin?" patuloy ko. "Sa ngayon.. ayaw ko muna, siguro pag naayos na sa pagitan ni Seth at Zayn." sabi niya.
"Ikaw kailan mo balak kausapin si Seth?" tanong niya. "Hindi ko alam, ayokong sirain ang birthday ni Zayn, hindi ko alam ang mangyayari pag kinausap ko si Seth ngayon. Baka pag katapos nalang ng birthday ni Zayn." mahabang sabi ko.
"Sa ngayon masaktan muna tayo haha." biro niya. "Sege haha." nasabi ko nalang.
Pag katapos namin mag libot libot, naisipan nilang bumalik na sa bahay nila Zayn.
"Mauna na kayo, susunod nalang kami ni Ley." sabi ko sa kanila. "Huh?" mahinang sabi ni Ley.
"Saan tayo pupunta?" takang tanong ni Ley. "Mag de'date haha." tatawa tawang sabi ko.
"Diba bibili tayo regalo para kay Zayn. Ngayon na natin gawin." sabi ko pa. "Kala ko naman kung ano na." sabi niya.
May malapit dito na mall, kayang lakarin. Doon kami bumili. Pag kabili namin mabilis naman agad kami bumalik.
"Saan kayo galing?" salubong samin ni Seth. Andon siya naka sandig sa may gilid ng Pinto sa labas ng bahay. "May binili lang kami." sabi ni Ley.
"Pumasok na kayo." sabi niya at nauna na pumasok. Anyari don. Pumasok naman na kami.
Nag paalam akong sa kwarto muna. Gusto kong iwasang makita si Zayn at Seth. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising akong 5am.
Pag kababa ko andon si Zayn at Ley na hindi mapakali.
"Anong nangyayari?" tanong ko sa dalawa. "Si Seth kasi..." hindi matuloy tuloy ang sasabihin niya. "Ano si Seth? anong nangyari? asan si Seth?" sunod sunod na tanong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/194547653-288-k446323.jpg)
YOU ARE READING
INTO YOU (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsI'm comforting someone who's in pain while i'm in pain too.