Chapter 54

105 11 0
                                    

Khen POV

"Andito lang ako." sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng ilapat niya ulo niya sa likod ng balikat ko. "Sandali lang." sabi niya.

Ilang minuto siyang ganon lang, wala siyang sinabi nakaganon lang siya.

"Kumain kana?" biglang sabi niya. Andaming pwede sabihin yan pa talaga. Umayos na siya sa pag kaka upo.

"Ehemmmm." napalingon naman kami sa likod namin. Andon mga kaibigan namin maliban kay Ley at Zayn.

"Akala namin kung sino inuna mong puntahan." sabi ni Dylan. Huh? Ako ba una niyang pinuntahan pag dating niya? Malabo naman mangyari yun. Bakit ba ako umaasa pa.

"Sege na ipag patuloy niyo na yan, balik na kami doon sa bahay." sabi ni Dara. "Paki tawag si Zayn at Ley, sahihin niyo kakain." sabi ni Seth.

Umalis naman agad sila.

"Tara." aya ni Seth.

Zayn na naman.

"Tumayo kana dyan." aya niya pa. "Tatayo ka dyan o sisipain kita." sabi niya pa. Kahit kailan talaga. tch.

Tumayo naman ako at nanguna na sa pag lakad. Hindi naman nag tagal dumating na si Zayn at Ley.

"Kumusta yung lakad mo teh?" sabi ni Ley. "Ok naman." sabi ni Seth. Nag simula na kami kumain.

Nag usap usap lang sila doon ng kung ano ano. Diko namalayan na papunta na pala kami sa bahay. Nag pahinga lang kami konti.

"Tara bago tayo mag ayos para mamaya, tambay muna tayo sa tabing dagat." aya ni Ley. Sumang ayon naman sila. Naglatag sila doon ng tela, yun yung uupuan namin.

"Bakit naisip mong mag celebrate ng birthday mo Zayn??" tanong Jiro pag kaupo na pag ka upo namin. "Iba kasi yung ngayon." sabi ni Zayn sabay baling kay Seth.

Bigla akong kinabahan para sa mang yayari mamaya. Ayoko itong naiisip ko.

"Tsaka hindi ko alam kung mauulit pa ba ito o hindi na haha." tatawa tawang sabi niya. "Aray... bat ka ba nambabatok." sabi ni Zayn ng batukan siya ni Seth.

"Ayusin mo yang lumalabas dyan sa bibig mo." sabi ni Seth. Nag usap usap lang kami doon ng kung ano ano.

"Princess." sabay sabay kami napalingon ng may tumawag kay Seth. Dahil nasa likod na namin yung sikat ng araw, hindi namin namukhaan.

"Mr. Principal???" takang sabi ni Ley. Napatayo kaming lahat. "Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ni Tiff.

"Ah, may sasabihin lang ako kay Princess." sabi ng Principal. "Pumunta lang ho kayo dito para may sabihin po kay Seth??? 2 hours po yung byahe." manghang sabi ni Charm.

"Hahahaha." tawa niya. Ibang iba siya sa School. Sobrang seryoso niya eh. Napaka professional niya. Bumaling siya kay Zayn.

"Hinahanap ka nila Tita, hindi ka pa daw nila nakikita." sabi ng Principal kay Zayn. Nag paalam naman si Zayn na pupunta muna siya doon.

"Nga pala Princess, nasabi naba sayong ma le'late ng dating sila--." naputol sasabihin ng Principal.

"Ate Princessssss." napalingon ulit kami ng may tumawag na naman kay Seth. Si Sean. "Male'late daw sila Mom at Dad." sabi ni Sean.

"Mom?? Dad?" sabay sabay na sabi nila. "Yes. Mom at Dad ni Seth." sabi ng Principal.

"Sabi mo wala kang parents." sabi ni Ley. Tinawanan lang kami ng Principal. "Bat ganyan kayo makatingin?" baling ng Principal saaming mag kakaibigan.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now